ABS-CBN news, wagi sa asia-pacific broadcasting+ awards
Nag-uwi ng dalawang parangal ang makabagong digital projects ng ABS-CBN News na kinilala sa 2024 Asia Pacific Broadcasting+ Awards sa Singapore.
Panalo ng Digital Transformation award ang Patrol ng Pilipino na isang paraan ng mga mamamahayag ng ABS-CBN News na maglahad ng mga balita at impormasyon sa vertical video format para mas maraming audience pa ang marating ng balita sa social media.
Mula nang ilunsad ito noong 2023, nakakuha na ang Patrol ng Pilipino ng mahigit 150,000 followers at 2 million likes sa TikTok channel nito at patuloy ring nagpo-post ng videos sa YouTube, Facebook, Instagram, X, at Threads. Binigyang-daan din nito ang paglabas ng iba pang digital video products ng News Gathering arm ng ABS-CBN.
Samantala, nagwagi naman ng Live Event Streaming Award ang halos 15 oras na livestream coverage ng ABS-CBN Digital News Gathering Team para sa 2024 Feast of the Black Nazarene.
Nanguna ang #Nazareno2024 livestream sa Pilipinas noong araw ng Pista ng Itim na Nazareno at ginamit din ang livestream ng ibang organisasyon tulad ng People’s Television Network, TV Maria, at Quiapo Church.
“It’s been an incredibly tough few years… so I’m dedicating this one to all the incredible journalists who have proven that they are tougher. For my colleagues in ABS-CBN News, the reporters, remote broadcast specialists and interns most especially, who have shown us gumption and grit against the grind and spirited storytelling in the name of service. This is proof that we’re not just here to break news. But also to break boundaries in how news stories are told,” ani Jeff Canoy, ABS-CBN News chief of reporters, sa kanyang acceptance speech.
Binigyang-pugay naman ni Anjo Bagaoisan, team lead ng Patrol ng Pilipino at science editor ng ABS-CBN News, ang mga tao na nasa likod ng araw-araw na operasyon nila .
“You can’t keep good men and women, excellent men and women down. Despite our limited resources and reach, our team strove to find ways to still do what they do best, and this marathon digital livestream of the biggest religious event in the Philippines embodies that,” sabi ni Bagaoisan.
- Latest