Bea, kinasuhan ng cyber libel ang misis ng driver

Bea Alonzo.

Kinasuhan ni Bea Alonzo ang diumano’y misis ng kanyang driver ng online libel, si Florina Alano.

Yup, kahapon nga ito isinampa sa Quezon City Prosecutor Office.

Naunang kinasuhan ni Bea ng online libel ang veteran showbiz journalist and digital talk show host na si Cristy Fermin.

Ito kaya ang dahilan kung bakit hindi rin siya nakapag-promote ng pelikula niyang 1521 kaya wala ring nanonood nung ipalabas ito sa mga sinehan last Wednesday?

Ang basehan ng online libel o cyber libel ay ang pagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa ibang tao, grupo, o organisasyon sa pamamagitan ng isang computer network.

Habang sinusulat namin ito ay wala pang available na information tungkol dito at kung konektado ito sa kaso ni tita Cristy.

Show comments