^

PSN Showbiz

Carlo at Charlie, tuloy ang kasal bukas!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Carlo at Charlie, tuloy ang kasal bukas!
Carlo Aquino at Charlie Dizon.
STAR/ File

“So totoo bang “Paalam, bukas ang kasal ko” – ang title ng pelikula ng tunay na buhay nina Carlo Aquino at Charlie Dizon?

At mismong sa taga Cavite natin nakuha ang reliable na balitang ito? Ang saya lang ng tadhana kung totoo nga ito ‘di ba: magiging magkasunod na lumagay sa tahimik ang dating magkarelasyon na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban!

Congratulations and best wishes!!!

Manunuri, pinaboran si Hilda

Bagama’t in-explain naman ni Manunuri Tito Valiente ang rason kung bakit si Hilda Koronel ang napili ng Urian na bigyan ng Natatanging Gawad tonight, ang lakas ng objection ng isang reviewer-critic  na si Mauro Feria Tumbokon na nagsabing, “So, they want an actor to get the Natatanging Gawad Urian this year, and so they did, to a less deserving one? When there are far more deserving than the anointed one, milya-milya ang layo. Putragis. GINA ALAJAR PHILLIP SALVADOR, CHANDA ROMERO or the late JACLYN JOSE Jeez, naging critics pa kayo!”

Bakit nga ba tumingin pa sa malayo ang mga Manunuri? Naging faney ba sila sa desisyon nilang ito?

At ang matinding tanong – darating ba si Hilda Koronel para tanggapin ang Gawad?

Darryl Yap, sumawsaw na sa kontrobersya ng expecially...

Lumaki na nga ang isyu tungkol sa pambabatos o pambu-bully diumano ni Vice Ganda sa mga sumasali ng EXpecially For You segment sa It’s Showtime. Kasama nang pumiyok sina Nikko Natividad at Nico Locco na pawang malalalim ang hugot.

Pero bakit hindi nila maderecho at mapangalanan si Vice Ganda? Pati si Darryl Yap sumasaw na rin?

Tabi-tabi po ang pahayag. Saan sa tingin niyo hahantong ito? Aabot ba sa Senado ?

Charot! Or parang gusto lang mag-opinyon talaga ng mga tao? May mamamagitan ba para magkaroon ng maayos na diskurso, o palilipasin na lang iyan na parang ingay na kusang mawawala.

Malamang sa malamang, tataas pa ang rating ng programa niyan!

Kapamilya, tuloy ang mga major event

Major major din ang magaganap na Kapamilya Event sa Gateway ngayon! This is to drum up interest sa Dreamscape shows na pawang namamayagpag sa Primetime! How can they afford these big events?

Ano ang objective nila eh problema ang reach nila dahil walang franchise ang ABS-CBN? Ang kaibahan ay dahil may matinding following ang kanilang loyal fans! At ang daming endorsements ang natatap para sa kanilang giveaways.

In the end, pagandahan pa rin ng content, at gagastusan mo rin talaga ang promo at paghihire at pagbubuild up ng may kinang na mga artista! Hindi ‘yung pagdaan sa Araneta Center ay dapat may name tag sila, ‘di ba? Good luck na lang sa traffic dyan sa area na yan later!

Nakakataquote :

“Hindi porke mura, makakatipid ka.”  – Camille Prats

vuukle comment

CARLO AQUINO

CHARLIE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with