Ahh ang travel at food documentary program ng GMA Public Affairs na Pinas Sarap pala ang number 1 program sa GTV.
Ayon sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement mula Enero 1 hanggang Mayo 18, 2024, pinangunahan ng Pinas Sarap ang lahat ng programa ng GTV sa Total Philippines (Urban and Rural). Nakapagtala ito ng people rating na 2.9 percent.
Nagpasalamat ang host nito at award-winning broadcast journalist na si Kara David sa tagumpay ng programa. “Makakaasa kayong mas bubusugin pa namin kayo ng magagandang kuwento ng pagkain at kulturang Pinoy!” saad ni Kara.
Nasa ika-pitong taon na ang nasabing TV show na nagdadala sa viewers sa kakaibang culinary journey sa buong Pilipinas. Mula sa pagtatampok ng mga heritage recipe hanggang sa culinary trends na sikat sa online, nagsisilbi itong platform na nagbibigay-daan sa iba’t ibang bayan, lungsod, at probinsya na ipagmalaki ang kani-kanilang delicacies sa local at international audience.
Napapanood ang Pinas Sarap tuwing Sabado, 8:15 p.m. sa GTV.