^

PSN Showbiz

Miles ‘di akalaing magiging bida, pataba joke ni Joey sinagot

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Miles �di akalaing magiging bida, pataba joke ni Joey sinagot
Miles Ocampo

Naluha si Miles Ocampo kahapon nang ipakilala siya bilang Padyak Princess.

Finally nga ay bida na siya sa isang teleserye na mapapanood sa TV5, Padyak Princess.

“Naiyak po talaga ako nung i-present sa akin. Sabi ko po kina direk Mike (Tuviera of APT Entertainment, isa sa producers), ‘sure po ba kayo talaga?’” chika ni Miles na first time ngang nakaranas ng presscon na siya ang bida.

Mas tumatak sa mga manonood ang pagiging BFF niya sa mga bida – sa mga pelikula o teleserye.

Todo rin ang pasasalamat niya sa TV5, Cignal, BuKo at APT Entertainment na nagbigay sa kanya ng chance na maging bida.

Kaya naman aniya, gagalingan niya talaga.

Anyway, walang epekto kay Miles ang joke ni Joey de Leon sa kanyang timbang na hindi naka­lampas sa netizens.

Nagkomento nga si Joey kay Miles ng Peraphy Pataas o Pababa segment ng Eat Bulaga na “pataba” sa halip na “pababa.”

Bongga ang natanggap na bashing ni Joey.

“Sa Dabarkads, bawal ang pikon. Sanay lang sa mga bawat banat at hirit ng isa’t isa, so walang problema po,” say niya.

“Actually si Boss Joey, naapektuhan din kasi nga (sabi ni Joey), ‘bakit galit ‘yung mga tao sa akin?’  eh segment naman po namin sa Eat Bulaga ‘yung ‘pataas, pababa.’

“Sabi ko kay Boss Joey, ‘okay na po ‘yun, sadyang ang mga tao talaga ngayon ay makabilis makahanap ng mali, kaya napupuna agad.’ Pero sabi ko, wala pong problema. And the next day naman, nag-sorry naman si Boss Joey sa akin, so, walang problema po,” paliwanag pa ni Miles.

Anyway, gagampanan ni Miles ang role ni Princess, isang charming at determinadong babae na nangangarap iligtas ang reputasyon ng kanyang pamilya at ibalik ang golden years ng kanilang Barangay Singko.

Maraming pagsubok ang haharapin ni Princess kung saan mapipilitan siyang tumayo bilang breadwinner at itawid ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Hindi basta-basta matitinag si Princess dahil handa siyang harapin ang bawat hamon ng buhay na may tapang, determinasyon, at may halong saya.

Kilala bilang former child star na ngayon ay award-winning actress na dahil sa kanyang natatanging talento, handa na si Miles sa kanyang role sa bagong serye ng TV5.

Ang Padyak Princess ay puno ng heartwarming moments, inspiring triumphs, at nakakatuwang mga karakter. Kasama rin dito sina Ara Mina, Ces Quesada, Christian Vasquez, Cris Villanueva, Yayo Aguila, Gillian Vicencio, Jameson Blake, Jem Manicad, Joao Constancia, Karissa Toliongco, Kira Balinger, David Remo, at Miel Espinoza.

Mapapanood and Padyak Princess sa TV5, 11:15 a.m. tuwing Lunes hanggang Biyernes, simula sa Hunyo 10.

Mayroon din itong catch-up episodes sa BuKo channel ng 7:30 p.m.

vuukle comment

MILES OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with