Jodi, Echo at Janine, sama-sama sa Lavender!
Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, Janine Gutierrez, Edu Manzano and Maricel Soriano sa iisang soap opera na Lavender Fields, lalaban ka pa ba?
At grabe pa ang support characters na may nga Lotlot de Leon, Albert Martinez at marami pang iba!
Ang tanong ng mga manonood ng TV, paano nakakayanan ng ABS-CBN ng ganyang kabigat na cast sa iisang teleserye?
At paano nila nagagawa iyan kahit wala silang network franchise?
I’m sure nabebenta naman nila rin ‘yan sa streaming platforms na mas mataas ang value dahil sa mataas na kalidad din.
Mapapa-sana all ka na lang, ‘di ba?
Kuya kim, at iba pa pinatay, nagamit para sa ‘likes’
Grabe naman ‘yung Fake @gmanewsbalita site! Tatlong personalidad ang pinatay nila sa post – si Efren “Bata” Reyes, si Dagul, at si Kuya Kim Atienza.
Ang tanong, bakit kaya nila ginagawa ‘yun? Para maraming likes at engagement?
Grabehan naman ‘yun!
“Hoax, not today,” ang sabi si Kuya Kim. So kung paniniwalaan ang matatanda, pihadong hahaba pa ang buhay ni Kuya Kim at ng ibang tila pinangungunahan ng social media.
Manila Filmfest, dinagsa ng mga estudyante
Maganda ang pagsisimula ng Manila Film Festival kahapon na ang concentration ay sa short films lalo na ng mga estudyante!
Maraming cineastes ang nagtipon sa Metropolitan Theater para tunghayan ang mga lahok mula sa iba’t ibang eskwelahan ng Maynila.
Ang tanong nila, kailan ulit magkakaroon ng major feature films ang Manila Film Festival tulad noon na may sariling film awards?
Maganda rin at this year, Manila rin ang lead city sa 50th edition ng Metro Manila Film Festival bilang sa Maynila naman daw nagsimula ito!
May mga pelikulang kasing classic ng Maynila sa Kuko Ng Liwanag o Manila By Night sa darating na filmfest? Sana!
Mga nagsusulputang parangal, nakakabahala!
Nakakabahala na ang pagdami ng mga Dangal Dangal, Faces of Kuning Kuning, Global Excellence at kung anik anik pang nagsusulputang mga parangal!
Siyempre kahit sinong gagawaran ng award, ipagmamalaki ‘yan at ipu-publicize, nagpe-presscon pa nga ‘yung iba para mabigyan ng espasyo sa media ang nasabing karangalan.
Pero kadalasan, wala sa awardee ang kargo de konsyensya (maliban na lang kung totoong nagbayad ito ng award ha) – ‘di ba’t ang dapat kuwestiyunin ay ‘yung nagbibigay ng award mismo?
Kung may kaakibat na ex-deal, or pa-dinner table o pa-advertise o kung anu-ano pang pabor na konektado sa awards, iwas na lang – kasi sa huli’t huli, alam naman ng industriya ang tunay na kagalang-galang o ‘yung chinacharot-charot lamang.
Nakakataquote:
“‘Wag magalit kapag kinokontrol ka ng asawa mo sa pag-inom, dahil kapag nagkasakit ka, siya ang mag-aalaga sayo, ‘di naman ang kainuman mo.” – Judy Ann Santos-Agoncillo
- Latest