SB19, BINI, Flow G, SunKissed Lola sama-sama sa pinakamalaking OPM event

Excited na ang lahat para sa pinakamalaking pagdiriwang ng Original Pinoy Music (OPM) ngayon, at ang mga kwento sa likod ng tagumpay ng mga chart-topping hits na ito, mula sa paghahandog ng Puregold ng Nasa Ating Ang Panalo concert sa Hulyo 12, 2024, 7 p.m, sa Araneta Coliseum.

Ang selebrasyon ng pasasalamat, na magtatampok ng mga malalaking pangalan sa larangan ng OPM na SB19, BINI, at Flow G, at espesyal na pagtatanghal mula sa SunKissed Lola, ay ipinag­diriwang ang natatanging milestone ng Puregold sa pagkakaroon ng 500 na tindahan sa ika-25 na taon nito.

Mula sa pinakabagong announcement nila sa mga social media pages, ang star-studded Nasa Ating ang Panalo ay nakatakdang maging isang hindi malilimutang gabi ng musika, inspirasyon, at kasayahan.

Pinagtibay ito ng Puregold Price Club Inc. pre­sident na si Vincent Co na sa simula pa lamang ay layunin nilang ipakita na ang tema ng higit pa sa pagiging simpleng concert.

Ibinahagi rin niya kung bakit ang mga Pinoy musical artists na ito ang napili para sa event:

Naranasan ng P-Pop idols na SB19 ang isang roller-coaster journey, at ang pananatiling matibay upang mapagpatuloy ang kanilang pag-angat sa industriya ng musika.

Ang nabansagang “nation’s girl group” na BINI ay umaawit ng mga kantang tungkol sa nakaka­kilig na pag-ibig ng kabataan, kasiyahan, at empowerment. Pinapakita rin ng grupo ang patuloy na pag-unlad nito sa pagkukwento ng kanilang mga karanasan sa iba’t ibang paraan.

Si Flow G na kinikilala bilang isa sa mga respetadong icon ng Pinoy rap ngayon ay dumaan at nalagpasan ang maraming pagsubok at hindi bumitaw sa kanyang mga pangarap at layunin na mapalawak ang hip-hop.

Ang minamahal na banda na SunKissed Lola na nagkaisa sa kanilang pagkahilig sa paglikha ng musika, ay ginawang realidad ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng kanilang walang sawang pagmamahal sa kanilang sining.

Pinaghahandaan ng Puregold ang concert sa pakikipagtutulungan kasama ang Wish 107.5, ang partnership na instrumental – mula pa noong 2021– sa pagtuklas at pagtampok ng mga talento sa OPM.

Ang paraan upang makakuha ng ticket ay ipapahayag sa mga opisyal na mga channel ng Puregold.

Show comments