^

PSN Showbiz

Cai Cortez, impyerno ang naranasan sa ex na foreigner

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Cai Cortez, impyerno ang naranasan sa ex na foreigner
Cai Cortez at mga anak
STAR/ File

Nanawagan sa mga senador

Isa sa pagdidiskusyunan sa pagbabalik ng Senado ay itong Divorce Law.

Ito ang pakiusap ng aktres na si Cai Cortez na sana raw ay maisasabatas na itong Diborsyo dahil isa nga siya sa dumaan sa matinding pagsubok ng kanyang buhay may asawa.

Maingat lang si Cai sa pagbahagi ng mga pinagdaanan niya sa estranged husband niyang isang Tunisian na si Wissem Rkhami.

Dinidinig pa raw kasi ang Custody case sa dalawa nilang anak kaya hindi lang niya dinetalye ang mga pinagdaanan niya sa dating asawa. “Hindi ko pa completely ma-divulge kasi baka maapektuhan ‘yung kaso. It involves the kids,” pakli nito nang nakapanayam namin sa grand opening ng bagong dermatology and plastic surgery clinic na Skinlandia na matatagpuan sa SM Fairview.

Meron lang daw ipinaglalaban itong dating asawa bilang isang foreigner at ama ng dalawa nilang anak na 7 at 4 years old.

Naka-block na raw itong si Wissem, kaya wala itong nakakarating na suporta sa kanilang mga anak.

“Kasi kung ako, kung wala sa akin ang mga anak ko gagawin ko ang lahat ‘di ba? Papadala ako regalo, aalamin ko kung saan nakatira.

“Hindi ko pa makuwento nang buo. Siguro kapag may nangyari na lang. Kasi baka maano pa,” maingat na pahayag ni Cai.

“Nilayo ko, kasi may threat na e na pati sila… lagi niyang sinasabi na ilalayo niya, dadalhin niya sa ibang bansa. ‘Pag hindi ko siya sinundan ‘yung gusto niya, uuwi na lang ako na wala na sila. Ginaganun niya ako nung kami, kaya ngayon na naghiwalay na kami.

“Basta naramdaman ko na lang na wala nang respeto sa akin. Kahit na sa mother na lang ng mga bata.

“’Pag nararamdaman ko na wala nang respeto sa akin. Kahit na sa mother na lang ng bata, wala na. Wala na rin ako. Sobrang control. Nalayo ako sa mga kaibigan niya, sa pamilya.

“May abuse yes. Hindi ko na lang po i-specify kung ano ‘yun. ’Yun sa akin kasi, kaya ko pang tiisin e. Kasi ganun din ‘yung mga generations before me e. Tiis tiis kahit may ibang kiyeme. Ganyan. Laban lang.

“Pero ‘yung merong mga threat na sa mga bata, doon na po ako hindi na puwede. Sa mga bata lang ‘yung delikado,” dagdag niyang pahayag.

Humingi na rin daw siya ng payo kay Pokwang, kaya ibinigay daw ng komedyante ang contact number ng lawyer nito.

Mas nauna pa raw itong problema niya kesa sa isyu ni Pokwang kay Lee O’Brian. Pero hindi lang daw siya nag-ingay sa social media, dahil pinoprotektahan daw niya ang mga bata.

Kaya ang pakiusap niya sa mga mambabatas na sana ay maipasa na talaga ang Divorce law dito sa Pilipinas.

“Nakiusap po ako sa mga mahal nating senador, tulungan nyo po kaming mga ano…naiipit sa impyerno na makawala na please.

“Nakikiusap po ako na lawakan po natin ang ating isip pagdating sa Divorce bill. Dahil, marami pong babae, lalo na ang mga Pilipina na hindi natatahimik, hindi nagkakaroon ng payapang buhay, dahil hindi kami makawala. Hindi makapag-invest para sa mga anak ko, dahil may porsyento siya dun,” sabi pa ni Cai Cortez.

Bong, nagpasalamat sa mga guro

Magandang balita naman ito sa mga guro natin dahil finally ay maisasabatas na ang Kabalikat sa Pagtuturo Act na pinasa ni Sen. Bong Revilla.

Nakatakda na itong pirmahan ng ating Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw para magiging isa nang batas.

Sa batas na ito ay maitataas na ang allowance ng teachers ng P10K simula sa school year na 2025-2026.

“Walang mapaglagyan ang aking pasasalamat at tuwa na mabalitaan na magiging batas na nga­yong araw ang Kabalikat sa Pagtuturo Act. Ngayon pa lang ay labis na akong nagpapasalamat kay PBBM sa magiging pag-apruba ng aking panukala,” saad ni Sen. Bong.

CAI CORTEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with