Ang pagiging impatient daw talaga ni Willie Revillame ang dahilan kaya hindi ito natuloy sa PTV 4 and ALLTV.
Hindi raw ito handang maghintay. Lagi diumanong nagmamadali.
Pagkatapos ng ilang buwang pagkaantala, hindi na raw ito nagtiyaga sa ALLTV. Ginagawa na raw noon ang studio na gagamitin pero ‘di na nakahintay, nagpa-release na ito.
Maaalalang umalis ito sa ALLTV at nakipag-negotiate sa PTV 4 at other government channels. Pero nainip din diumano kaya lumipat ng TV5.
Ngayon nga raw, eere na sa TV5 ang programa nito this July.
Samantala, ayon sa narinig kong usap-usapan, nakapagbenta na ito ng iba’t ibang mga ari-arian.