^

PSN Showbiz

Sheryl, handa na ulit kay Romnick

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Sheryl, handa na ulit kay Romnick
Sheryl Cruz

Payag din si Sheryl Cruz na muling makasama ang dating Seiko loveteam na si Romnick Sarmenta.

Naging vocal si She sa pagsasabi ng willingness niyang maka­tambal uli si Romnick sa grand opening ng Skinlandia Dermatology and Plastic Surgery located at SM Fairview, Quezon City.

“In God’s time at depende rin sa schedules namin. I’m fine with the idea. Basta approved sa amin ang project. Pati rin ako, nire-request ng mga fan namin,” pahayag ni She.

Pag-aari ito ni Noreen Devina na owner din ng sikat na Nailandia kung saan si Ma­rian Rivera ang ambassadress sa Timog, QC branch.

Bukod kay Sheryl, present din ang ibang artists ni Rams David ng Artist Circle.

Kasalukuyang napapanood si She sa GMA afternoon series na Lilet Matias: Attorney At Law.

Ayon kay Miss Noreen, wala pa siyang balak kuning endorser ng Skinlandia. Si Marian kasi ang in mind niyang bagay sa kanyang clinic.

Pilar, humabol sa abot kamay…

Mixed ang reactions ng manonood sa pagpasok ng veteran actress na si Pilar Pilapil sa toprater na GMA afternoon series na Abot Kamay Na Pangarap.

Merong may gusto pero meron ding may ayaw, huh! May nagsasabing sawa na sila sa series pero parang pinapanood pa rin nila, huh!

Lalo pang sumaya ang nagsasawa na sa series nang may post na sa social media kaugnay ng bagong series na Shining Inheritance na papalit daw sa AKNP. June raw ang ending ng AKNP pero wala pang final tungkol dito.

On business side, kung marami pa ring commercials na pumapasok sa AKNP, why kill the goose that lays golden eggs?

At si Pilar ang latest, hindi naman siguro one week lang ang appearance niya sa AKNP, huh!

Pagbigyan muna natin si Miss Pilar!

vuukle comment

ACTRESS

SHERYL CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with