^

PSN Showbiz

James, may malapit sa puso na gagawin

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
James, may malapit sa puso na gagawin
James Reid.
STAR/ File

Magbabalik nang muli sa paggawa ng pelikula si James Reid. Pinaghahandaan na ng aktor ngayon ang isang bagong proyekto. “There is actually a project that I’m working on right now, very early stages of the concept. But my plan is to be able to produce and star in a film for local release. That was always my plan. I always said it. I want to go back but for now I really want to focus on the music. I felt like there was kind of a bit of a time limit on how long I can do music. But for acting, I knew I could do it my whole life. People tell me a lot that they missed just seeing me on the screen and watching film. I do too,” nakangiting pahayag ni James sa ABS-CBN News.

Malapit umano sa puso ng binata ang bagong pelikulang gagawin. Ayon kay James ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang kanyang pagbabalik sa trabaho bilang aktor. “The project will be very close to my heart, very close to what I’ve gone through both being in the industry and show business but also going through life the past few years as a musician. So definitely there’s music involved,” dagdag pa ng actor-singer.

Joem, ayaw na ulit magkaanak kay Meryll

Mahigit tatlong taong gulang na ngayon ang anak nina Meryll Soriano at Joem Bascon na si Gido. Bilang mga magulang ay talagang nai-enjoy umano ng magkasintahan ang kanilang supling. “We are very challenged sa toddler phase. Ako, tito Boy, I’m already a parent, coming from Eli (anak ni Meryll kay Bernard Palanca). The difference lang for me is that I have a partner. Kasi it’s very different from being a single parent that to get to decide everything on your own. All by yourself, ikaw lang mag-isa eh. So now it’s a 50-50 thing. I can’t say na I know better kasi it’s a different child, different personality, different everything. I’m a very happy parent to be able to share also something very special with Joem because I love Joem,” paglalahad ni Meryll sa amin sa Fast Talk with Boy Abunada.

Ayon naman kay Joem ay talagang ibinibigay niya ang lahat nang makakaya upang maiparamdam ang pagmamahal sa kanyang pamilya. “Para sa akin Tito Boy kasi first time ko (naging magulang), I’m just observing everything. Kung may decision, sumasang-ayon na lang din ako do’n sa sinasabi niya kasi mas alam niya. ‘Yung sacrifice na binibigay niya, ‘yung body niya, ‘yung time niya, ‘yung buong pagkatao niya para kay baby. Kasi nag-breastfeed siya for three years and four months. ‘Yon na lang ang kaya kong gawin for her, to take good care of her. Bring her kung ano man ang gusto niya. Ilabas siya kung saan man niya gustong pumunta. Kasi nabigay na niya ‘yung buong pagkatao niya sa baby namin eh. Kaya ko lang suportahan sila sa lahat ng gusto nilang gawin,” pagbabahagi ni Joem.

Hindi na raw nagbabalak ang magkasintahan na sundan pa ang kanilang panganay. “We want to pero not advised na by the doctor. Kasi I’m 41 and sabi ng OB namin, if we wanted, magkasunod, parang as in the year after. Parang hindi pa nagwa-one year si Gido dapat masundan na. Parang it’s difficult because it’s his first time and we want to really savor and enjoy it. It’s really hard to prioritize getting pregnant again. We’re just enjoying the bles­sing,” paliwanag ni Meryll.

“Takot din kami no’ng time na ‘yon kasi it was pandemic. Even with Gido no’ng time ng na-deliver siya, takot kami,” dagdag naman ni Joem.

Nagpaplano na ang aktor na pakasalan si Meryll sa mga susunod na taon. Kailangan lamang umanong ipagpaalam ni Joem ang binabalak sa kanilang mga mahal sa buhay. “Yes, kailangan ko lang magpaalam sa lahat ng tao. Medyo old school pa rin ako eh. Hindi naman pwedeng diretsahan sa kanya. Kailangan ko tanungin din sa parents niya. ‘Yung parents ko sasabihan ko. Kailangan ko magbigay-pugay with everyone to get her beautiful hands,” nakangiting pagtatapat ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with