^

PSN Showbiz

Marites University sa ALLTV!

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Nagsimula ako bilang guest co-host sa isang episode ng online show na Marites University, hanggang sa alukin ako ng Scott Media na nagpapatakbo nito na maging regular co-host. (feeling maganda ako, bakit ba!) Hindi ako nagdalawang isip at umu-o agad ako sa kanilang head na si Patrick Domagoso. (bilang ‘di ako tumatanggi sa grasya ‘no!) May go signal daw ito ng kanyang amang si Sir Yorme Isko Moreno na natatag ng Scott Media.  (ang popogi ng boss namin ha!)

Hands on ang mag-ama sa pagpo-produce ng Marites University at ilan pa nilang online shows. First time kong na-meet si Yorme sa studio namin. (syempre nagpa-picture agad ako!) Sya pa mismo ang nag-tour sa’kin sa mga studios ng Scott Media, at ibinida ang mga equipment. (pang mayaman!) Nagkakasundo sila ni Patrick sa “fresh” na look ng set at sa “good vibes” na content ng show. Ayaw nila ng naninira ng artista. Gusto lang nila, ibalita ang mga showbiz ganap at pag-usapan na parang breaktime sa classroom. (bilang university kami!)

Naging maayos agad ang naging samahan namin ng mga hosts na sina Jun Nardo, (ang aming Dean!), Ambet Nabus (ang aming Propesor!) at Rose Garcia (ang aming Phd na nag-recommend sa’kin sa Scott Media!) Binigyan nila agad ako ng title na MegaMarites Lecturer. (may mega?!.. meganon kasi!)

9pm live ng Monday at Thursday sa Youtube at Facebook ang show. Isang oras lang talaga dapat kami pero dahil naa-liw kami sa kwentuhan at partisipasyon ng mga viewers, may dagdag na trenta minutos. (minsan nga inabot pa kami ng 2 oras kakakoda!) Nagpapasalamat lang talaga kami sa libu-libo naming live viewers at dumadagdag pa ang mga team replay. Nakakataba ng puso ‘yung good feedback. (wala masyadong basher!)

Nakakatuwa rin dahil ang Marites University  ay napapanood na rin sa ALLTV tuwing Sabado naman ng 10pm. (o ‘di ba tumi-tv ha rin!) Pangatlong episode na namin sa dara-ting na Sabado. (tutok na!) May kaunting pagkakaiba ‘yung live online at ‘yung TV airing pero hindi mawawala ‘yung saya na dulot ng show. Maraming Salamat sa Scott Media, kina Yorme, Patrick, sa buong staff at sa ALLTV management sa pagtitiwala.  (nood na kayo para pumalo sa ratings!)

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon.

FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

vuukle comment

HOST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with