^

PSN Showbiz

Pilar, hindi takot mamatay!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pilar, hindi takot mamatay!
Pilar Pilapil

Limampu’t pitong taon nang aktibo si Pilar Pilapil sa show business. Sa mahigit limang dekada ay nakatrabaho na ng aktres ang halos lahat ng mga pinakasikat na artista sa telebisyon at pelikula. May mga pagkakataong kinakausap umano ni Pilar ang ilang baguhang artista dahil sa kaunting problema pagda­ting sa trabaho. “Some of them are good though. Ang problema lang minsan hindi sila masyadong nagpo-focus sa lines nila. Like for instance, before I go to the set, I prepare myself as far as the role is concerned. I really, really prepare my dialogues and all of that. You have to be able to be prepared in every way. Kung minsan kinakausap ko ‘yan, privately lang. Kinakausap in a sense na I make it come out like an advice,” pagbabahagi sa amin ni Pilar sa Fast Talk with Boy Abunda.

Maraming pagsubok sa buhay na ang nalampasan ni Pilar sa mga nakalipas na dekada. Sa Oktubre ay 75 taong gulang na ang beteranang aktres. 

Ayon sa dating beauty queen ay hindi siya nakararamdam nang pangamba kung sakaling dumating ang kamatayan. “No, because everything here in this world is temporary. One day you find out a healthy young man, or a healthy young woman at 30, like last year my P.A. died and she was only 30 plus. You’ll never really know when time comes,” pagtatapat niya.

Para kay Pilar ay masaya siyang naipamamahagi sa mga tao ang mabuting salita ng Panginoon. “My happiest moment is when I’m communicating with God. Those are my happiest moments and when I’m preaching His words. Those are my most fulfilling moments, when I’m doing ministry works and doing what He wants me to do, very fulfilling,” pagtatapos ng beteranang aktres. 

Kyle, may ginawang 100% challenging

Mapapanood na sa TV5 simula June 17 ang Pamilya Sagrado na pinagbibidahan ni Piolo Pascual. Kabilang din sa naturang serye ng ABS-CBN si Kyle Echarri. Ayon sa aktor ay talagang kaabang-abang ang kanilang bagong programa dahil sa tatakbuhin ng istorya nito. “Super excited po, matagal na rin po talaga itong show na ‘to. Si Sir Deo (Endrinal) pa po talaga ang nag-pitch sa akin ng show na ito. And I knew, sa story niya talagang aabangan ng mga tao,” bungad ni Kyle.

Para sa binata ay ito na marahil ang pinakamahirap na proyekto na kanyang ginawa. Magsasampung taon nang aktibo si Kyle sa show business.

Maraming mga natutunan si Kyle mula nang gampanan ang karakter ni Moises sa bagong serye. “Hundred percent po this the most challenging, I think most life-changing for me. Kung paano ako nakapag-connect kay Moises, kung paano niya ako tinuruan for the past couple of months. Tinuruan kung paano magmahal and manindigan and kung paano magtiwala ang it’s been a ride. It’s been such a journey for me, si Moises. Pero sobra po akong nag-e-enjoy,” makahulugang paliwanag ng aktor sa ABS-CBN News.

Kabilang din sa Pamilya Sagrado sina Grae Fernandez, Joel Torre, Shaina Magdayao, Mylene Dizon, Aiko Melendez, John Arcilla, Rosanna Roces at Tirso Cruz III. Bukod sa TV5 ay maaari ring mapanood ang bagong serye sa Kapamilya Channel, Kapa­milya Online Live, A2Z at Jeepney TV. Reports from JCC 

PILAR PILAPIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with