Gladys, hataw hanggang london ang hola hoop
Hanggang London ay humataw pala nang paghu-hula hoop si Gladys Reyes.
Tawang-tawa kami sa kanya nang nakatsikahan namin ito sa DZRH via zoom habang nagliliwaliw siya sa London at ilang bahagi ng United Kingdom.
Naimbitahan siya ng ilang mga kababayan natin doon na dumalaw sa kanila sa London para magpasaya sa ilang Filipino communities doon.
Isinama ni Gladys ang anak niyang si Christophe Sommereux, dahil French passport naman daw ang hawak nito.
Si Gladys lang pala ang may Philippine passport, pero lahat ng mga anak nila ni Christopher Roxas ay may French passport, kaya makakaalis daw sila anytime dahil walang visa.
Sobrang happy siya sa panganay niyang anak dahil talagang total performer daw ito kapag nahilingang kumanta sa mga kaibigan nila roon.
“Alam mo si Cristophe ang na-realize ko sa bonding namin as magnanay. Kasi parang two-in-one na, bonding na rin, kasi parang nag-show kami dito sa mga Filipino communities.
“Para siya nga yata ang mini me ko dahil he’s a people person. Tapos parang nagta-transform siya when he performs e. Pag nasa stage na siya, talagang all-out. Nakakatuwa lang kasi nae-enjoy niya ang pag-perform.
“In-enjoy talaga namin ni Cristophe dito. Actually, punta kami ng Liverpool, dahil nga alam mo na, gusto niya yung history ng Beatles ganyan,” saad ni Gladys.
Pero ang isa sa in-enjoy ni Gladys ay ang pag-iikot niya sa iba’t-ibang tourist destinations ng London at hinataw niya ang galing niya sa paghu-hula hoop.
Nag-hula hoop siya sa Abbey Road, sa Tower Bridge ng London at sa tapat ng Buckingham Palace. “Naisakatuparan ko rito sa London ang aking magiging ‘Gladys Knight’ yung pagiging concert queen, pero hula hoop concert queen ha?
“Actually, hindi ko na-pack ang aking hulahoop kasi mabigat talaga yung hulahoop. Pero luckily, meron palang naghu-hula hoop dito na mga kababayan natin. So, yun nga, sila nag-provide ng hulahoop ko.
“So, sabi ko talaga, parang isa sa mga wish ko e makapag-hula hoop sa isa sa mga iconic spots sa London, tulad ng Abbey road. Soon, I’ll be posting also sa mismong Tower bridge o tinatawag nilang London bridge sa Pilipinas. Pero actually, Tower bridge ang tawag nila dun. Tapos nag-hula hoop din ako habang nasa background ang Buckingham Palace, mga ganun.
“Kasi ano e, advocate tayo of fitness and hulahoop. So, inaano ko…because I wanna promote it a way to exercise and at the same time, masayang gawin,” saad ni Gladys.
Next week na ang balik ni Gladys Reyes at aayusin na niya ang dalawang pelikulang inaalok sa kanya.
Apology ng FAMAS, kinontra
Napakahaba ng paliwanag na inilabas ng presidente ng PhilStagers Foundation na si Johnrey Rivas kaugnay sa mainit pa ring pinag-uusapang gulo sa FAMAS.
Ang PSF ang production ng FAMAS na siyang bumuo ng show sa ilalim ng direksyon ni Atty. Vince Tanada. Nasa hospital si Direk Vince dahil sumailalim daw ito sa isang surgery kaya nagpapagaling pa siya.
Sa napakahabang paliwanag ni Johnrey Rivas, ang sinisisi nila sa pagkamamaling ito kay Ms. Eva Darren ay ang PRO ng FAMAS na si Renz Spangler.
Siya raw ang nagi-invite ng mga guest, kasama na roon ang presenters at sila raw ay nagbabase lang sa mga sinabing confirmed na dadalo sa naturang parangal.
Nitong mga huling araw daw bago ang awarding ay hindi na raw nakipag-communicate sa kanila si Spangler.
Hindi raw kinumpirma kung darating si Ms. Eva Darren kaya bago mag-Linggo ay tinanggal na raw sila sa talaan ng mga presenters ang naturang veteran actress.
Kaya meron palang pagsisinungaling sa inilabas na public apology ng FAMAS na hindi raw nila nakita si Ms. Darren kaya last minute ay pinalitan na ito.
Pero kung ano man itong mga sinabi nila, paliwanag at palusot, nangyari na ang nangyari. “Damage has been done,” ika nga.
Kaya sana nag-apologize na lang nang maayos at tapusin na ang isyung ito na nagiging kacheapan na.
Ang bagsak lang naman nitong lahat ay sa nangangasiwa ng FAMAS.
- Latest