Masaya ang buhay pag-ibig ngayon ni Joaquin Domagoso.
Hanggang maaari ay sinisikap na lamang ng aktor na maging pribado ang tungkol sa kanyang personal na buhay.
Dalawang taong gulang na ngayon ang anak ni Joaquin at Raffa Castro na si Scott Angelo. “I don’t wanna say anything too much. Right now, I’m in a happy place. I’m happy where my son is. He’s started school officially, so congrats to little Scott. Of course, every day new memories are being made. I stand by the decisions I made. My career won’t stop itself because of my decisions. My will is as strong as my love for my son,” makahulugang pahayag ni Joaquin sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.
Mula nang maging isang ganap na ama ay maraming mga natutunan si Joaquin sa buhay. Sa edad na dalawampu’t dalawang taong gulang ay ginagawa umano ng aktor ang lahat ng makakaya para sa anak. “I can work harder than I think I can’t. There are things before that I feel like, ‘Kaya ko ‘yan, pabayaan na lang, huwag na.’ You have to do this, you have to do that. But now that I am old, I am a father, I have to do things for myself. I am a role model na rin eh. Kumbaga if I do these things, my son won’t, hindi niya ako susundin. And working a 9 to 5 job, realizing how other people would go through it. ‘Yung tipong you wake up for your son, then you do all these things. Then at the end of the day, uuwi ka, hinihintay ka pa rin. All the joys, ‘yung purpose ko sa buhay nabuo,” pagbabahagi ng aktor.
Mayroong mga hiling si Joaquin para kay Scott. Umaasa ang aktor na makukuha ng kanyang anak ang pagiging maabilidad sa buhay ng amang si Isko Moreno. “Sana huwag kang magkasakit, sana matuto kang maging kagaya ng lolo mo,” giit niya.
Maricar, muntik mabulag
Muntikan nang mabulag si Maricar Reyes dahil sa pagsusuot ng contact lens. Taong 2010 pa nang magsimulang magsuot ng colored contact lenses ang aktres. Kamakailan ay nakaramdam ng matinding sakit sa mga mata si Maricar dahil sa nagamit niyang expired lenses. “Three days akong halos bulag dahil sa maling pagsuot ng contact lens. A few months ago, after wearing my colored contact lenses for about 12 hours, nakaramdam ako ng konting pain sa mata. I thought it’s just normal, pagod lang. No’ng tinanggal ko ‘yung contact lenses ko before going to sleep at natulog na ako. Then at around 3 a.m., nagising ako to the most excruciating eye pain in my entire life. Sa sobrang sakit kinailangan akong dalhin sa E.R. at around 5 a.m. At 11 a.m. sobrang sakit pa rin, ibinalik ako sa E.R., for the next three days halos hindi ko maidilat ‘yung mga mata ko sa sobrang sakit at maga,” pagdedetalye ni Maricar sa kanyang TikTok account.
Nagkaroon ng corneal abrasions ang mga mata ng aktres. Ito ay ang malalaking gasgas sa magkabilang cornea kung saan nakapatong ang contact lenses. Hindi umano namalayan ni Maricar na expired na ang contact lens na naisuot noon. “Sa tagal-tagal ko nang nagko-contact lens, mga 12, 15 hours sa taping. Tapos minsan expired pa, bakit ngayon lang nangyari ito? Kahit ano pa ang excuse ko, hindi pa rin mawawala ang bottomline na naging iresponsable ako. Masyado akong naging kampante dahil for many years, walang masamang nangyayari,” paglalahad niya.
Natuto na si Maricar dahil sa hindi magandang pangyayari sa kanyang mga mata. Umaasa ang aktres na magsisilbing aral din sa lahat ng mga gumagamit ng contact lenses ang kanyang karanasan. “After 7 days, gumaling naman ‘yung mga sugat ko sa mata. Sabi ng ophthalmologist ko, napakaswerte ko daw dahil sa laki ng mga sugat ko sa mata, pwede akong magkaroon ng mga peklat or mga puti-puti sa paningin ko habangbuhay. Buti na lang naagapan at hindi ako naging pasaway sa paglagay ng gamot na nireseta nila,” patuloy na kwento ng aktres. (Reports from JCC)