Turo-turo nila Juday, panalo sa mga estudyante

Juday at Pamilya
STAR/File

Wagi ang turu-turo concept sa bagong Angrydobo Cantina sa Taft Avenue nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Hindi ba’t mas swak sa mga estudyante lalo na du’n sa katapat na La Salle at kalapit na St. Scho ang mabilis na service at masarap na pagkain sa naturang branch ng Angrydobo?

Ang tanong, kailan naman magkakaroon ng branch sa Quezon City? Sana soon!

Moviegoers, ‘di nagparamdam sa mga sinehan

Dumaan ang kasamahan natin sa mall kahapon at nagtanong sa sinehan kung ano ang kinahinatnan ng pelikulang Seoul Meyt (Jerald Napoles & Kim Molina) at Chances Are, You and I (Kelvin Miranda & Kira Balinger) - bakit kaya umiling at ngumiti na lang ang takilyera?

Kahit nga The Garfield Movie ay struggling din. Maganda rin daw ang How To Make Millions When Grandma Dies pero ang general question – ‘nasaan ang manonood na Pilipino?’

Well, wala sila sa sinehan kahapon.

Direktor ng FAMAS, inaawitan si Piolo sa Himala

Sana tanggapin na ng FAMAS na ang layo ng kalidad ng pamamalakad ng organisasyon at resulta mula kay Sir Ricky Lee at kay Vince Tañada. Hindi ba’t kay Sir Ricky Lee halos hindi ipa-mention na siya ang nasa likod ng pagsasaayos ng FAMAS samantalang kay Vince talagang tadtad at paulit-ulit ang pagbanggit at pagpuri sa kanyang pangalan? At talagang lumevel pa talaga kay Ma’am Charo ‘di ba?

Oh well, walang basagan ng trip – pero look, nag-back fire sa organisasyon lahat ng kangaragan at kabaduyan?

Paano kaya ito aayusin ng FAMAS?

Dahil sa nangyari medyo nahimasmasan na ang lahat, gugustuhin pa bang gawin ni Piolo Pascual ang musical version ng Himala with Vince Tañada katulad ng naunang napabalita?

Sabi ng bitchesa na Marites, ngayon pang nakuha na ni Piolo ang FAMAS Best Actor award, puwedeng ‘wag na lang, ‘di ba?

Katakot din ‘di ba?

Nakakataquote:

“‘Yung anak ko si Malia, ang ganda ‘di ba? Mestizang-mestiza ‘yun ang ganda ng anak ko. Buti na lang, ‘di ba?

“Pero, Diyos ko day, gustung-gusto niya ang sardinas lalung-lalo na ‘pag ginigisa sa talbos ng kamote.” – Pokwang

Show comments