Jessica, naging humble sa mga OFW

Jessica Soho

Si Jessica Soho – na itinuturing na most awarded broadcast journalist ng Pilipinas – ay nagdagdag ng another feather in her cap matapos na parangalan ng Icon of Media Excellence Award sa Global Filipino Icon Awards na ginanap noong Mayo 17 sa Dusit Thani Dubai, United Arab Emirates.

Ngayong nasa ika-apat na taon nito, kinikilala ng Global Filipino Icon Awards ang mga individual at organization na nagtagumpay sa kani-kanilang larangan, na itinataas ang watawat ng Pilipinas sa global stage.

Ang nasabing event ay binuo ng The Global Filipino Magazine, isang kilalang publication na nakabase sa Dubai at kilala bilang Filipino magazine sa Middle East.

Sa acceptance speech ng host ng Kapuso Mo, Jessica Soho kinilala niya ang lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagsasakripisyo upang buhayin ang kanilang pamilya sa ibang bansa.

“This award humbles me to my very core. Sa akin po kasing palagay, ang dapat hinihirang na icons, heroes, excellent at outstanding — kayo po iyun, mga OFW, Global Filipinos, Global Pinoys. Kulang ang salitang bayani para sa inyong kadakilaan, para sa lahat ng inyong tinitiis at isina-sakripisyo…lalo na po ang mga nanay at tatay na malayo sa inyong mga anak. You truly represent the best among us — kayo po ang pinakamahusay na ehemplo kung ano ang ibig sabihin ng pagiging Pilipino,” she says.

Soho also shared how much she would want to tell the story of the OFWs to the rest of the world, “Gustung-gusto ko pong ikuwento ang inyong mga kuwento! At marami-rami na rin po kaming mga bansang narating. Kaya nga po laging ‘lumilipad ang aming team’ Diumano! Wala nga yatang sulok ngayon sa buong daigdig na walang Pilipino. Kung saan naroon ang trabaho at oportunidad, may Pilipino. At kapag may kabayan, may kuwentong masarap pakinggan dahil kuwento iyon ng pagmamahal para sa pamilya at para sa bayan.”

Sinamantala rin niya ang pagkakataon upang ipakita ang kanyang pagpapahalaga at pasasalamat sa lahat ng mga Global Pinoy na tumulong sa ibang mga Pilipino sa abot ng kanilang makakaya.

”Special shoutout po sa mga OFW o Global Filipinos o Global Pinoys na tumutulong sa mga nangangailangan, na madalas naming naitatampok sa KMJS. Nakakatuwa na marami sa donations o tulong na nakukuha nila, galing po sa inyo, mga OFW! Kayo na pinaghihirapan ang bawat dolyar, euro o dirham, siya pang madaling hingan ng tulong! Maraming, maraming salamat po sa inyo. Ang Diyos na po ang bahalang sumukli sa kabutihan po ng inyong loob!” Soho shares.

With a crowd of 250 attendees from the Filipino community across the UAE, the Global Filipino Icon Awards was also attended by Dubai-based fashion icon Michael Cinco who was given the Lifetime Achievement Award in Fashion Excellence. Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach and Cory Quirino were also given the Icon of Elegance and Purpose Award and Excellence in Media and Pageantry, respectively.

Bilang karagdagan sa pagtanggap ng parangal, nag-shoot din si Jessica ng Dubai episode para sa KMJS na mapapanood ngayong Hunyo. Ipinagdiriwang din ng multi-awarded public affairs program ang ika-20 anibersaryo nito ngayong taon.

Mapapanood ang KMJS every Sunday at 8:15 p.m. on GMA 7.

Show comments