Donbelle, magbabakasyon sa Amerika!
John Prats, ididirek ang Streetboys
Makakasama sina Belle Mariano at Donny Pangilinan sa gaganapin na ASAP Natin ‘To sa Los Angeles, California, USA sa darating na Aug. 3. Ngayon pa lamang ay sobrang excited na ang magkatambal na magpasaya at magpakilig sa mga kababayan nating nasa Amerika. “I’m very excited. The previous ASAPs we went to were very fun and memorable. To be part of something that’s been going on for so long, to be part of the roster with Tito Gary (Valenciano) and Tito Martin (Nievera) who have been in the industry for a long time. It’s always fun,” nakangiting pahayag ni Donny sa ABS-CBN News.
Para sa aktor ay maganda itong pagkakataon upang makapagpasalamat nang personal sa mga Kapamilya na nasa Amerika na patuloy na tumatangkilik sa kanila ni Belle. “For us to have a chance to, as we say, ‘bring home’ back to them and give them a glimpse of how the Philippines is and what they miss. It’s really a great feeling,” giit niya.
Mahigit dalawang taon na ang nakalilipas nang huling magtanghal ang DonBelle sa Amerika. Makapagbabakasyon din sina Belle at Donny pagkatapos ng halos isang taong pagtatrabaho sa kanilang nagwakas na seryeng Can’t Buy Me Love.
Magkakaroon ng reunion concert ang Streetboys sa Nov. 8. Si Ogie Alcasid at ang kanyang talent management company na A-Team ang magpo-produce ng concert na gaganapin sa New Frontier Theater. Ayon sa singer-composer ay talagang ikatutuwa ng mga tagahanga ng dance group ang lahat ng mangyayari sa naturang event. “Napakaganda, the history of Streetboys ikukwento nila. I’m happy because the fans are so excited. I came before them but I remember when they were starting,” bungad ni Ogie.
Kasamahan ni Ogie bilang host sa It’s Showtime sina Vhong Navarro at Jhong Hilario na parehong miyembro ng Streetboys. Nagsimula lamang daw sa simpleng pag-uusap ang tungkol sa gaganaping concert. “I was in the dressing room and I heard Jhong and Vhong, and I said I will produce it. They thought I was not serious but then I started talking to direk Chito (Roño), talent manager ng Streetboys) and then we had meetings, tuluy-tuloy na. Very exciting, John Prats is the director,” pagdedetalye ng OPM icon.
Bukod sa Streetboys ay magtatanghal din sa concert ang ilang mga nakasabayan ng dance group noong dekada ‘90s. — Reports from JCC
- Latest