Sikat na director / writer namatay na rin, kumpirmasyon ng pamilya hinihintay pa
Magkakasunod na malungkot na balita ang natanggap namin nung nakaraang Biyernes.
Nakakabigla ang balitang pumanaw na ang kaibigan naming talent manager at producer na si Leo Dominguez.
Ilan sa mga kilalang artists na mina-manage ni Leo ay sina Ogie Alcasid, Lovi Poe, Paulo Avelino, Janine Gutierrez, JC de Vera, Lotlot de Leon at Gloria Diaz.
Ipinost ni Ogie ang announcement mula sa pamilya ni Leo at ang kasunod nito ay nag-post na siya ng pagpupugay sa namayapang manager.
Bago napabalita itong pagpanaw ni Leo, nasagap din namin ang balitang pumanaw na rin ang isa sa ginagalang na manunulat at direktor.
Kilalang-kilala siya, kahit hindi na siya gaanong active sa showbiz.
Pero malaki ang naiambag niya sa entertainment industry.
Hindi lang namin mabanggit kung sino ito dahil hinihintay pa rin namin ang official announcement mula sa pamilya.
Kapag ganitong balita, hindi namin puwedeng pangunahan ang pamilya para lang maka-scoop.
Kaya hinihintay na lang namin ang official announcement ng pamilya o go signal ng pamilya kung puwede na namin itong ibalita.
Pero malungkot ang pagpanaw nitong direktor dahil alam naming matagal na siyang nangungulila sa pagpanaw ng mahal niya sa buhay.
Ang amin pong panalangin para sa mapayapang paglalakbay nitong dalawang personalidad na kilalang-kilala sa showbiz.
Nakikiramay po kami sa pamilyang naiwan.
Jhong, pahinga na sa pulitika!
Prioritized pa rin ni Jhong Hilario ang showbiz, kaya hindi muna siya tatakbo sa darating na eleksyon.
Tapos na ang termino niya bilang konsehal ng 1st district ng Makati. Kaya pahinga raw muna siya.
Ang kanyang ama ang tatakbong konsehal, dahil siya naman daw talaga ang naunang pumasok sa pulitika. “Ang nagsimula naman talaga ng public service ang ang tatay ko. Gusto kong ibigay sa kanya. Alam ko na ‘yun ang pinaka mabuti na ibigay ang pagtitiwala sa kanya,” saad ni Jhong nang nakatsikahan namin nung Huwebes sa trade launch ng A Team ni Ogie Alcasid.
Walang balak si Jhong na tumakbo sa mas mataas na posisyon dahil mapipilitan daw siyang tumigil sa pag-aartista.
Araw-araw siyang pumapasok sa It’s Showtime, kaya kung sa mas mataas daw na posisyon kagaya ng nasa Congress, kailangang iwan daw muna niya ang pag-aartista.
Puwede naman daw siyang tumulong sa mga taga-Makati kahit hindi naman daw siya konsehal.
Kaya focus muna siya sa showbiz, at ang isa sa pinagkakaabalahan nila ngayon ay paghahanda sa reunion concert ng Streetboys na gaganapin sa New Frontier Theater sa Nov. 8.
Ang A Team ang magpo-produce nito, na ang sabi nga ni Ogie ang buong akala raw ng taga-Streetboys ay nagbibiro lang ito.
Kuwento ni Ogie, narinig daw niyang pinag-uusapan nina Vhong Navarro at Jhong na gusto nilang magkaroon ng reunion concert.
Inalok na ni Ogie na siya na ang A Team na niya ang magpo-produce.
“Akala nila hindi ako seryoso. So, I started talking to direk Chito. We had meetings, ayun tuluy-tuloy na.
“Sobrang exciting!” bulalas ni Ogie.
Sabi ni Jhong, tiyak na matutuwa ang loyal fans ng Streetboys dahil kumpleto raw ang lahat na mga miyembro ng naturang grupo.
“Pini-prepare namin ‘yung dating hatawan ng Streetboys na ipapakita pa naming makipagsabayan, and of course ‘yung pinaka ano ‘yung makukumpleto uli kami,” saad ni Jhong.
“Papanoorin uli nila ang pagsasayaw namin sa isang place, na hindi pa nangyayari sa matagal na matagal na panahon.
“Ang dami nang napagdaanan namin... siyempre 31 years na kami e. Bago man lang kami totally tumanda na hindi na kami makapagsayaw, gusto namin... last hurrah na makapag-perform ulit kami nang sabay sabay,” dagdag niyang pahayag.
- Latest