^

PSN Showbiz

Kim gamit na gamit... Xian, mas inuna ang paglinis ng pangalan

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Kim gamit na gamit... Xian, mas inuna ang paglinis ng pangalan
Xian Lim.
STAR/ File

Ibang klase rin si Xian Lim. Kinailangan ba niyang magpalabas ng ang daming words sa pag-eeksplika ng estado ng kanyang personal na buhay?

Naging mas paglilinis tuloy ng pangalan ang lumabas kaysa sa pagpapasalamat na lang sa isang memorable na past love, ‘di ba?

Nakakalungkot lang talaga.

Catriona, walang paramdam sa birthday ni Sam!

Bakit kaya sinasabi ni Fashion Pulis na mag-isip nang maige ang mga galing Binibining Pilipinas bago sumali ng Miss Universe-Philippines?

Talagang sinabi niya na: Former Binibining Pilipinas winners should stop joining Miss Universe Philippines, bakit kaya?

Kahit just an observation lang ‘yun, medyo marami ang napag-isip. Parang hindi nga rin nagwawagi ang mga ganu’ng past winners ng Binibini, ‘di ba?

Speaking of past Binibinis, ang tanong ng mga tao, nasaan si Catriona Gray? Wala kasi itong birthday greeting o paramdam man lang kay Sam Milby na nag-40th birthday celebration kamakailan.

Nang silipin natin ang kanyang IG Stories, may work daw siya sa may bandang Vivera Azure Anilao, Batangas.

Just asking, beyond repair na ba sila ng kanyang fiance na si Sam, or mag-friends pa naman sila?

Vilma, Juday, Sarah, Hilda at marami pang iba, nakapila sa horror film

Que horror! Puro na lang horror! Nauna nang sinabi ng GMA Pictures na meron silang Gabi Ng Lagim horror movie with Miss Jessica Soho.

Tapos merong Chito Roño film with Judy Ann Santos and Vilma Santos na horror din. Tapos may nababalitaan tayo na Sarah Geronimo - Mik Red collab film na horror din. Then may Hilda Koronel horror din, at may nilulutong Heaven Peralejo na horrror, Barbie Forteza-JC Alcantara horror, Regal, Viva, Ten17, at marami pang horror.

Bakit puro horror na lang?

Lalabas ba tayo sa bahay para takutin ang ating sarili? Hindi ba’t nakakatakot rin ang nangyayari sa bansa natin – pagtaas ng dollar, pagdami muli ng COVID cases, ang malaganap pa ring kahirapan, ang issue ng Chinese “invasion” – ano kaya ang mas nakakatakot pa, ang pelikula o tunay na buhay – or it’s a tie?

Nakakataquote :

“I will always be proud of Eliana and will always be supportive of her. She is a brave girl and stands for what she believes in.

“She is anti-war and anti-genocide. To be persecuted because of that is par for the course. Mama and papa will always be there for her.” – Kuya Kim Atienza on her daughter na si Eliana

KIM

XIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with