Carlo, hindi sinagot ang kasal kay Charlie!

Joshua Garcia at Carlo Aquino
STAR/ File

Gaganap na magkapatid sina Joshua Garcia at Carlo Aquino sa inaabangang local adaptation ng Korean drama series na It’s Okay To Not Be Okay with Anne Curtis.

Kilalang parehong mahusay na actor sina Carlo at Joshua.

Pero mas maraming napatunayan si Carlo pagdating sa pag-arte.

Gaganap sila bilang PatPat at MatMat na ginampanan nina Kim Soo-hyun and Oh Jung-se na sina Moon Gang-tae and Moon Sang-Tae sa original version nito.

Si Joshua si Patpat (Kim Soo-hyun) ay caregiver sa psychiatric hospital at si Carlo si Matmat na mas matandang kapatid ni Patpat na may autism pero magaling na illustrator.

At ito ang magiging konek nila ni Ko Moon-young (Seo Yea-ji) na isang author ng librong pambata na may anti-social personality disorder na gagam­panan ni Anne bilang Emilia “Mia” Hernandez.

Exciting dahil maraming Pinoy fans ang naadik sa kuwento niya.

Ang It’s Okay to Not Be Okay ay under the direction of Mae Cruz-Alviar at ipakikita sa mga eksena ang magagandang lugar sa Negros province at Iloilo City.

Samantala, walang reaction si Carlo nang tanungin ko kung anong basis nung mga kumakalat na kuwento na ikakasal na sila ni Charlie Dizon next year.

Show comments