KC, sinara ang comment box

KC Concepcion.
STAR/ File

Walang maka-comment sa “Moving on ” post ni KC Concepcion kahapon.

Sarado ang comment box nito.

Ang interpretasyon ng showbiz insiders, confirmation ito na wala na nga sila ng boyfriend niya, si Mike Wuthrich na isang Filipino-Swiss.

Pero aside from that, may issue rin ang iba kung ganun na ba kapayat si KC.

Meron kasing nakakita kay KC recently at parang iba raw ito in person. Hindi ganun kapayat.

Show comments