Matulungin si Arci Muñoz sa mga kaibigang mayroong pinansyal na pangangailangan.
Nagpapahiram umano ang aktres ng pera sa mga mahal sa buhay pero nahihiya siyang maningil nang mga pautang. “Ang problem sa akin, ‘pag may nangungutang sa akin, I don’t know how to make singil, kung paano sisingilin. Ako pa ‘yung nahihiya. Ayoko rin kasi maka-offend. And pagdating sa mga money matters, hindi ba ang awkward na parang kayo pa ‘yung nahihiyang maningil,” nakangiting pahayag ni Arci.
Matatandaang nabiktima ang dalaga ng kawatan habang natutulog sa eroplano noong Nobyembre. Tinatayang nasa kalahating milyong halaga ang nagastos ng masamang loob na gamit ang debit card ni Arci. “It’s really unfortunate to be in that situation and you feel so helpless. I tried reaching out to the bank pero they couldn’t help me. They said that it’s my responsibility because it’s my card. And I approached them thrice pa nga. I even called people that are close to me na alam ko who can also help me out na baka may mga kilala do’n sa bank. Kasi that’s not easy money naman, ‘di ba? I worked hard for what I have and no’ng sinabi nila na hindi talaga pwede, it really broke my heart. Sabi ko, ‘Grabe! Ilang travel na ‘yon, ilan na rin ‘yung matutulungan ko.’ Sana binigay ko na lang sa mga mahihirap. Nakakain pa sila,” paglalahad ng aktres.
Dahil sa hindi magandang pangyayari ay naging mas maingat na si Arci. Para sa dalaga ay kailangang maging ligtas sa lahat ng oras hanggang maaari. “To really be aware all of the time. Kasi it’s not really a safe world out there. Isipin mo I was sleeping in the comfort of a business class plane. Kailangan talaga medyo vigilant ka. Ang pinakaimportante naman maraming pumapasok na blessings. Gano’n na lang ‘yung consolation ko. At least may lesson and also we raised awareness. Sana wala na silang mabiktima,” pagtatapos ng dalaga.
Ara, ayaw maging full-time sa bahay
Bukod sa pagiging TV host at paggawa ng pelikula ay sumabak na rin si Ara Mina sa pagiging podcast host. Kamakailan ay sinimulan na ng aktres ang kanyang prodcast project. “It’s a podcast titled Private Time with Ara. Iba siya sa Magandang ARAw which is a lifestyle show. This one is a one-on-one interview podcast thing. Late night show siya, 9 p.m. every Wednesday. Showbiz na hindi showbiz, parang gano’n ang theme. ‘Yung pwedeng deep topic and it’s a new venue for me and natutuwa ako kasi seryoso na ‘yung mga alok sa akin na hosting. I’m very thankful kasi when they offered it to me, hindi naman ako nagdalawang-isip,” pagdedetalye ni Ara.
Mahigit tatlong dekada nang aktibo si Ara sa show business. Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil talagang namamayagpag ang kanyang showbiz career at kabi-kabilang negosyo. “Parang ‘yon ‘yung vitamins ko. Parang ayoko nang walang ginagawa. Parang the more na wala akong ginagawa, ‘pag hindi ako productive I feel so useless. Kaya namang i-manage ‘yung time eh, nagagawan naman ng paraan. Tapos siguro sa tagal ko na rin sa showbiz, sanay na tayo. ‘Yung anak ko rin naman kasi nagsu-school na. Eh kung housewife lang ako, eh di nakatunganga lang ako sa bahay, morning hanggang hapon. Aantayin ko ‘yung anak ko lumabas sa school. Eh di maging productive tayo, ‘di ba,” pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)