Kelvin, nagkaka-panic attack
Inaasahan na nina Kelvin Miranda at Kira Ballinger na mauungkat ang isyu nilang dalawa ngayong nagsisimula na silang mag-promote ng pelikula nilang Chances Are, You and I na magso-showing na sa May 29.
Sa nakaraang media conference nito nung Lunes; parang nagka-panic attack nga si Kelvin nang inungkat namin ang isyu nila noon ni Kira.
Pero nilinaw ng Kapuso actor na never daw naging sila. Hindi rin daw siya nanligaw.
Aniya, “Hindi naman po naging kami ni Kira.
“Wala po kaming naging relasyon ni Kira or ano… para ma-clear lang po, hindi naman po naging kami.
“Nagkaroon lang ng… siguro dahil sa pagiging devoted namin sa project na ‘to, first kong pelikula ‘to na talagang bida ako sa romance.
“‘Yung huling pelikulang nagbida ako ‘yung Deadly Kids, tapos ‘yung After All. Hindi ko siya madya-justify dahil sa work. I mean, na-confuse talaga ako nung time na ‘yun.
“Aminado naman ako. Pero humanap ako ng way para hindi na siya maulit at malagay sa ganung klaseng sitwasyon.
“‘Yun lang po talaga ‘yung closeness… sobrang pagiging close namin. Naging komportable sa isa’t-isa. ‘Yun ‘yung pinaka-masasabi ko na totoo, naging komportable kami sa isa’t-isa.”
Ganundin ang pahayag ni Kira.
Okay naman daw sila nang magkita sila uli para sa promo ng pelikula.
“We’re okay. As colleagues, siyempre we both show up for work.
“I think I can say that we are both professional when it comes to our work.
“So no matter what happens, we both have to show up. And you know it’s a beautiful film and direk Cathy (Camarillo), she gave her all for this movie.
“My God! She worked so hard for this. The whole production, they worked so hard for this. So, it’s only right that we show up for them as well,” saad ni Kira.
Nanatili raw silang magkaibigan, at walang isyu sa pagsasama nila uli para sa Chances Are, You and I.
“Oo naman po siyempre.
“Thankful ang buong production ng Pocket Media Films na pag-aari ng direktor nitong si direk Catherine ‘CC’ Camarillo, dahil sa tinulungan sila ng Seoul Film Commission nang mag-shoot sila sa South Korea.
“When they read our content, grabe ‘yung enthusiasm nila to support us. They emailed us, they gave us everything that we need. Kung saan namin gustong puntahan. Ang maganda pa nun, I get to see different spots there,” pakli ni direk CC.
Ipinagmamalaki niya ang pelikulang ito dahil buong pamilya niya ang involved.
Kris, nami-miss ang laing
Magandang balita ang ibinahagi ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) member na si Dindo Balares sa kanyang Instagram account tungkol sa kalagayan ni Kris Aquino.
Si Dindo ang publicist ni Kris na masaya na rin sa kanyang farm sa Bicol, na walang stress at pressure sa trabaho.
Pero may constant communication siya kay Kris na ang huling ibinahagi nito ay umepek ang huling gamot na ginamit para sa kanyang autoimmune disease.
Bahagi ng IG post ni Dindo, “Finally, pagkaraan ng ilang taon ng pagpapagamot na walang nakikitang progreso, walang natatanaw na liwanag, tinablan na ito sa wakas ng itinaas na dosage ng methotrexate plus Dupixent.
“Malaking tulong din, kuwento pa niya, ang sariwang hangin ng Newport Coast.”
Nagpapasalamat daw si Kris sa lahat na patuloy pa ring nagdarasal para sa kanya.
Natuwa si Dindo dahil bumabalik na raw ang cravings ni Kris pagkain.
Narinig daw uli ni Dindo ang sinasabi sa kanya ni Kris noon na nami-miss daw niya ang lechon kawali at laing nito.
Sana naman talaga tuluy-tuloy ang paggaling ni Kris, at inaasahan namin ang araw na marinig uli namin ang matinis niyang boses, at ang style ng pagsasalita na kanyang-kanya lang.
- Latest