Wala na bang katapusan ang kontrobersya sa mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion?
Ang dami kong nababasa sa mga column na sinabi nila sa kani-kanilang social media accounts tungkol sa samaan ng loob.
Wala na bang chance na mag-usap sila ng personal at ‘wag nang idaan sa social media?
Magnanay naman sila at wala naman sigurong masama kung mag-uusap sila ng personal at magkapaliwanagan.
‘Wag nang gamitin ang social media.
Pareho silang matalino at may pinag-aralan ba’t may mga ganyan?
O hindi ba pwedeng kalimutan na ang nakaraan at magsimula silang muli ng pagmamahalan?
Nakakaloka.
Sandara, nag-tour sa dating eskwelahan sa Pasay
Nakakatuwa naman si Sandara Park na binisita ang kanyang dating eskwelahan dito sa Manila.
Imagine kahit sa Korea na siya may career, ‘di niya pa rin nakakalimutan ang kanyang pinanggalingan.
“Today is #day~!!! I visited my alma mater thinking about my school days. Nostalgic..
“It’s friday!!! It’s #DaraTour day with @_minzy_mz reminiscing my high school days.. in PPCHA Where are my schoolmates?!
#DaraTV #Philippines”
Ito ‘yung Philippine Pasay Chung Hua Academy.
Bongga noh hindi talaga nakakalimutan ni Sandara ang Pilipinas.
Habang ang ibang Pinoy, halos ikahiyang sila ay Pilipino.