Mahigit isang dekada na ang nakalilipas nang magpakasal sina Rachel Alejandro at Carl Sta. Maria. Sa ngayon ay hindi pa nabibiyayaan ng supling ang mag-asawa. “Ako, okay na okay sa akin ‘yung ginawa ko na I got married in my late 30s. I think hindi ideal ‘yon for people who want to start a family. I think good idea to start in your early 30s at the most. Para if you intend to have a few kids sabi nga nila. Sabi sa akin ng OB optimum age for childbirth is hanggang 36 lang,” nakangiting pahayag ni Rachel sa www.push.com.ph.
Kahit wala pang anak ay masaya umano ang singer sa kanyang buhay-may-asawa. Limampung taong gulang na ngayon si Rachel. “I didn’t have kids anymore. Nagsara na ang karinderya as they say. I’m happy naman with my decision. Kasi I was older na and more mature. I’ve been married for 13 years and I’d say if that’s any indication na it would be a decision based on as a more mature person, parang you’re more likely to really get to know the person kaysa ‘pag bata ka. When you’re so young, it’s really just about the feelings. You have to consider kasi talaga everything. At saka maganda rin na magkakilala kayo nang mabuti before you make that big decision,” makahulugang paliwanag ng singer.
Para kay Rachel ay mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng anak at pagbuo ng sariling pamilya. “There’s a little bit of regret there two years ago na parang sana pala I did this, sana prinioritize ko. But it’s okay kasi ‘yung husband ko at saka ako we’re so busy and he said. ‘See? How would it be kung may anak tayo? Eh ‘yung aso nga lang ang hirap?’ I’m pretty happy naman, siyempre when I see the kids of my siblings, I’m happy kasi at least I see na lumalaki na ‘yung mga pamangkin ko. Pero siyempre iba pa rin ‘yung sabi nila na sarili mong anak. But that’s an experience that I missed out on and it’s something that I have to live with I guess,” pagtatapat ng singer-actress.
Cecile, pangmalakasan ang concert
Kasalukuyang nasa bansa ngayon ang kompositor na si Cecile Azarcon para sa Music of Cecile Azarcon: A 45th Anniversary Concert. Gaganapin ang naturang concert sa The Theater at Solaire sa May 24 at 25. Pitong taon nang nakabase si Cecile sa San Francisco, California. Ang kilalang composer ang sumulat ng mga kanta katulad ng Reachin’ Out ni Gary Valenciano, How Did You Know ni Chiqui Pineda, I Think I’m In Love ni Kuh Ledesma, Ikaw Ang Lahat Sa Akin ni Martin Nievera at marami pang iba. “Very excited, it’s actually a tribute of sorts, because I am celebrating my 45th anniversary in the music industry,” nakangiting pahayag ni Cecile sa ABS-CBN News.
Hindi nagdalawang-isip na tanggapin ni Cecile ang bagong concert nang mabalitaan ang tungkol dito. Labingsiyam na taong gulang pa lamang si Cecile nang madiskubre ni Vic del Rosario ang talento sa pagsusulat ng mga kanta. Naisulat ni Cecile noon ang Lift Up Your Hands na pinasikat ni Basil Valdez. “My gosh, who will say no? It is an honor, it is a privilege, it is a blessing also, nothing like doing this with Viva because of Mr. Vic del Rosario,” dagdag pa ng kompositor.
Magiging espesyal na panauhin sa pinakaaabangang concert sina Martin Nievera, Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Fe delos Reyes, Iwi Laurel, Jackielou Blanco, Mark Bautista, Katrina Velarde, Tim Pavino, Isabella, Nicole Asensio at Jam Morales.
(Reports from JCC)