Ito ang sabi ni Vice Ganda. “Itong madlang people, ang daming mga pinapagawa sa akin. Gumawa ng ‘Asoka’ challenge, gumawa ng ‘Piliin Ang Pilipinas’ challenge, magdemanda na rin. Ang daming gusto niyong ipagawa sa akin.”
Nagpapahaging ba siyang nasa isip niya na ang paghahain ng cyber libel case din kay Cristy Fermin?
Wait and see tayo d’yan!
Stell ng SB19, pinahanga si Ryan Cayabyab
Instant star si Stell ng SB19 at sinasabing siya ang next big thing after niyang kantahin ang napakaganda pero napakahirap na awit ni Maestro Ryan Cayabyab na Sometime, Somewhere. Ang sabi ng isang theater reviewer na si Gibbs Cadiz, “At curtain call, he was so shy to mingle with the galaxy of singing superstars that turned up for the first night of GEN C — the 70th birthday concert of National Artist for Music Ryan Cayabyab — that he kept to the farthest corner of the stage, but let me tell you: The audience streaming home by this time probably has one performer foremost on their minds — STELL OF SB19, with his smashing, absolutely sensational rendition of ‘Sometime, Somewhere’ (done in the Regine Velasquez key!) that was a thrilling highlight in a show brimming with peak musical moments. My first time to see this guy live — and WHAT. A. TALENT! (Get him to do theater, please — he has expressed many times his dream of doing musicals.)”
As Mr. C gushed to the roaring audience after Stell’s bow, “Ang galiiiiing!”
Ang tanong, i-consider kaya ni Stell na mag-solo acting career – if ever sa stage or theater? Sana!
Sam, hindi pa handang pakasalan si Catriona?!
Totoo ba talaga ang hiwalayang Sam Milby at Catriona Gray, o sinusubukan pa nilang ayusin ang kanilang relasyon?
Na-realize raw kasi ni Sam na hindi pa siya handang magpakasal kay Catriona matapos itong mag-propose noong Feb. 16, 2023.
Burado na ang engagement photos nila kay Cat noong isang linggo pa, ngunit walang kumpirmasyong nakukuha sa dalawa. Hindi siguro nila priority ang issue.
Martin, lagare muna
Lagare ang concert king Martin Nievera this weekend with his special appearance sa repeat ng One Last Time concert ni Gary Valenciano sa MOA Arena pagkatapos, nag-The Voice Live siya segue Samsung Theater sa Circuit Makati para sa Gen C concert with Mr C.
Parang wala siyang kapaguran?
Siya na yata ang pinakamadaling kausap na artist na hangga’t kaya kang i-accommodate ay gagawin niya. Bravo Martin!
Good luck sa sarili mong major concert naman sa Sept. 27 sa Araneta Coliseum!
Nakakata-quote:
“My mom is at the ICU now. She’s fighting for her life now and I don’t know if pag-uwi ko andun pa siya. But I really wish she will be there.” – Gigi de Lana, humihingi ng dasal para sa kanyang ina