^

PSN Showbiz

Sharon, nilantad ang problema nila ni KC

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sharon, nilantad ang problema nila ni KC
KC at Sharon Cuneta
STAR/ File

Emotional si Sharon Cuneta nang nagpa-interview sila ng dating senador Kiko Pangilinan pagkatapos nilang magsampa ng kasong Cyber Libel laban kay Cristy Fermin.

Inilabas niya ang kanyang dinadalang sama ng loob kay Tita Cristy, kahit nakipag-ayos naman daw siya noong 2021.

Kasabay nito ang pag-amin niyang may problema silang mag-ina.

Aniya, “Ano man ang problema namin ng panganay ko, because at this time we’re estranged. And I am very very hurt. Pero there are things na tama ‘yun. There are things na amin na lang.

“And pagbali-baliktarin man ang mundo, mahal mo ‘yung anak mo e. So, tiis-tiis na lang bilang nanay. Pero dadating sa point na ayaw ko na ring isiksik sarili sa ayaw sa akin. I’m tired.”

Hindi malinaw kung kay KC Concepcion pa rin niya tinutukoy ang huli niyang sinabi, pero dala na rin ng sama ng loob niya kay Tita Cristy kaya nakapagsabi siya ng ganun.

Pero napansin na sa nakaraang birthday ni KC na hindi nabanggit si Sharon sa seleb­rasyong ibinigay sa kanya.

Kahit sa birthday dinner na hosted sa kanya ng negosyanteng si Pinky Tobiano ay hindi napag-usapan ang tungkol sa pamilya.

Tinanong ko nga si Achi Pinky kung hindi ba nabati ni Sharon si KC, wala naman siyang naibigay sa akin na sagot.

Gusto na lang daw nilang masaya at positive lang ang selebrasyon para sa kaarawan ni KC.

Kaya para positive vibes lang sa Mo­ther’s day celebration kahapon, maganda naman ang mensaheng ipinahatid ni KC sa kanyang ina.

Aniya, “To my beautiful mama, it’s your day. I pray for us to enjoy life’s pleasures and adventures together soon.

“You’re the first person I ever met, and ever loved, it’s because of you that I’m here today. Trust in the way you raised me--- I will always strive to make you proud and feel that having me was worth it. I love you. I wish I could give you the world so you wouldn’t have to worry about anything for another second. Happy Mother’s Day mama!”

Nag-react ang mga netizen na na-touch sila sa IG post ni KC.

Pero so far, wala pang sagot si Sharon sa magandang mensahe ng kanyang anak.

Oil spill sa Mindoro, gagawing pelikula

Fulfilled na si Mayor Ina Alegre ng Pola, Oriental Mindoro, nang nakatsikahan namin kamakailan lang.

Masaya siyang nakikilala na ang bayan ng Pola lalo nang napapanood sa Netflix at nag-trending ang pelikulang Pula nina Coco Martin at Julia Montes.

Sa Pola, Oriental Mindoro kinunan ang kabuuan ng pelikula at sobrang saya ni Mayor Ina dahil nakikita ang ganda ng kanyang bayan. Bukod pa riyan, kasali rin siya sa naturang pelikula.

“’Yung parang ano… the fact na Pola ‘yung location, tapos si Coco Martin, tapos nandun pa ako sa movie, sobrang ano… nakakaiyak siya ha?” pakli ni Mayor Ina.

Sa totoo lang, bukod sa artista siya sa pelikulang ‘yun, ginagampanan din niya ang role bilang alkalde na inaasikaso pa niya ang lahat na kailangan sa shooting na ‘yun.

“’Yung role ko as imbestigador doon sa movie na Pula, at the same time iniisip ko rin ‘yung kapakanan ng mga artista na kailangan ingatan mo sila.

“Dalawa ‘yung iniisip mo, pag-artista and ‘yung pag-asikaso sa kanila.

“Sobrang ano… hindi ko alam ‘yung role na ‘yun, kasi COVID-19 ‘yun e, tapos sinu-shoot namin. Lahat kasi kailangan isa-isahin mong intindihin. Ang role ng Mayor, ang role as artista, ‘yung ikaw ay kasama dun sa mga producer na magbibigay ng kailangan,” dagdag niyang pahayag.

Ang susunod na gusto sanang i-achieve ni Mayor Ina ay matuloy na ang binabalak niyang pelikula tungkol sa oil spill na nakaapekto nang husto sa buong bayan ng Pola.

Binubuo na ngayon ang script, at nagtatanung-tanong na siya ng mga artistang puwedeng gumanap, at kung sinong aktres ang gaganap bilang si Mayor Ina Alegre.

KC

SHARON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with