Hindi naere ang isang bahagi ng interview sa komedyante na kung saan ibinulong lang ang tanong.
May pagka-naughty kasi ang tanong kay komedyante, na pinasagot sa kanya kung sino sa tingin niya ang pinaka-‘daks’ sa tatlong aktor na nakasama niya sa isang show na malapit nang ipalabas.
Ang tatlong aktor na ito ay si married actor na nasilip na noon ang ‘junjun’ sa kumalat na vidjakol.
Ang isa naman ay si daring actor na napahubad nang bonggang-bongga sa kanyang launching movie. At ang isa, ay si wholesome young actor.
Napaisip si komedyante kung sino ang sa tingin niya ang pinaka-‘daks’ sa tatlong aktor na kaibigan niya.
Ang sagot niya, number one sa ‘pinakadakila’ ay si daring actor, pangalawa raw si married actor at ang pinaka-‘dyuts’ sa tingin niya ay si wholesome actor.
Naku! Naku! Mali sila! Tili ng isang kaibigang aktor na close sa kanilang lahat.
Parang ‘di raw trot ‘yung pinakadakila si daring actor.
Sabi niya, sa totoo lang daw, ang ‘di kayang higitan sa pinakadakila ay si komedyante na pinagtanungan.
May kaliitan si komedyante, pero bawing-bawi naman daw sa kargadang meron siya.
Ewan ko lang kung mag-iinit ang mga kabadingan kay komedyante kahit knows na nilang siya ang ‘pinakadakila’ sa lahat!
Can’t buy… may sequel
Ang daming magagandang comments na natanggap si Kaila Estrada dahil sa magaling niyang performance sa finale ng Can’t Buy Me Love ng DonBelle.
Agree naman akong magaling siya, pero hindi mo rin maisantabi ang galing ng mga kaeksena niya lalo na sina Maris Racal, Agot Isidro, pati na rin sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Kaya lang, hindi ko nataypan ang ending nito na ang batang si Kaila pala ang pumatay sa ina ni Caroline (Belle Mariano) na ginampanan ni Shaina Magdayao.
Maganda pa naman ang kabuuan ng kuwento nitong Can’t Buy Me Love, at kung paano nila ito nilatag na nai-stretch sa 148 episodes.
Masyado na lang pinakomplikado na baka nga naman mataypan ng mga manonood.
Sa tingin ko kasi, puwede pang magka-sequel ito dahil medyo nabitin pa ang kuwento.
Nag-hit dito ang tambalan nina Maris at Anthony Jennings, at naka-hang pa sa kuwento na may sakit pala si Bingo (Donny Pangilinan).
Kaya tingnan na lang natin!
Boy, sensitive sa kalagayan ni Kris
Sa mismong Mother’s Day, sa April 12, ang pilot ng limited talk series ni Boy Abunda na My Mother, My Story.
Mapapanood ito sa Linggo ng 3:15 ng hapon, at exciting ang pilot episode dahil ang mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano ang makakapanayam niya.
Kakaiba ang konsepto na kung saan si Luis ang ini-interview ni Kuya Boy, habang pinapanood ito sa monitor ni Ate Vi sa kabilang kuwarto. Nakukunan ang reaksyon niya sa mga sagot ni Luis.
Once a month ito mapapanood na kung saan marami pa silang naka-line up na gusto niyang makapanayam at mapag-usapan ang kanilang ina.
Ani Kuya Boy, “We’re working on Andi Eigenmann. She has agree to do it. So, inaayos pa namin ang detalye kung kaya naming mag-Siargao o gagawin namin dito. Pero we would like to do that story.
“I spoke to Erickson (Raymundo) with Julia Montes. That’s a compelling story.
“Positive din ‘yung response. And we’re working on Jillian Ward. We are in the middle of conversations. Anim ito e.
“Kaya nakabukas lang once a month, pero ‘yun ‘yung mga kinakausap namin.
“Maaring… uunahan ko na talaga, because I’d love to do Bimby. But I am very sensitive to the condition of Kris (Aquino). Hindi ko lang alam…but I will be in touch one of these days. Kung meron akong finale episode, I’d love to be able to talk with my inaanak.
“I don’t know if this is possible. I don’t know if it’s workable. Pero susubukan namin. Pakikiramdaman namin. Because I’m also sensitive to the condition with Kris.”
Very personal sa kanya ang special na ito dahil alam naman ng lahat kung gaano kahalaga sa buhay ng King of Talk ang kanyang namayapang ina na si Nanay Lesing.