Ysabel, maraming tanong noon kay LL
Matalik na kaibigan ang turingan nina Ysabel at Michelle Ortega sa isa’t isa. Mula noon pa man ay hindi raw naglilihiman ang mag-ina. “Very honest ako sa kanya. I don’t keep secrets para gano’n din siya sa akin tito Boy. Magsasabi rin siya sa akin kung ano ang totoo,” bungad ni Michelle sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.
“That’s the misconception, kapag sinabing single mom, very protective sila sa anak nila. Parang nagiging shield sila sa mundo. I feel like in some way, naging gano’n din ako sa mama ko. Kami ‘yung naging sandalan ng isa’t isa. Hindi man aminin ng mom ko, may mga times na kailangan din niyang maging vulnerable, maging weak. Hindi ka naman palaging strong. May mga times na ako ‘yung malakas sa aming dalawa kapay mga times na maraming pinagdadaanan ‘yung mom ko,” pahayag naman ni Ysabel.
Si Ysabel ay anak ni Lito Lapid sa dating aktres. Hindi umano napabayaan ng Senador at aktor ang nag-iisang anak kay Michelle. “In fairness naman tito Boy, ‘yung biological dad niya, naging mabuti naman sa kanya. Lalo na no’ng time na kami pa, always present siya eh. Very hands on siya actually. Hindi rin naman ako ‘yung tipo nang maninira. Wala din naman akong isisira dahil mabait naman po ‘yung tao,” pagtatapat ni Michelle.
Sampung taon na ang nakalilipas nang tuluyang magkahiwalay sina Michelle at Senador Lapid.
Maayos na naipaliwanag ng dating aktres kay Ysabel ang tunay nilang sitwasyon sa buhay ng aktor at Senador. “I asked a lot of questions and my mom answered them all. She was very honest with me and kung itatago ng mom ko kung anong nararamdaman niya, Hindi ko siguro maiintindihan tito Boy. Mas nag-root po ako sa mama ko na, ‘Mommy, kailangan mong maging masaya,’ I’m strong, independent and brave because of mama,” kwento ni Ysabel.
“I had to be honest lang sa kanya tito Boy. The kind of relationship that I had with her father, may life span lang ‘yon. I didn’t see myself growing old with him. We all know that he has his own family. And very happy ako dahil nagkaroon ako ng Ysabel. So naintindihan ‘yon ng anak ko. Ysabel grew up knowing her father has a family talaga na tunay,” makahulugang pahayag ni Michelle.
Maayos na maayos ang relasyon ni Ysabel sa ama.
Ayon sa dalaga ay sobrang proud ang Senador sa lahat ng kanyang mga naabot sa buhay. “Si papa po ‘yung nagpaaral sa akin and I’m very grateful for that. I feel like he’s very proud of all the businesses na napatayo ko, no’ng naka-graduate ako and sa career ko he’s very proud. Sa Voltes V, nakanood din daw siya. Pinanood ko sa kanya ‘yung mga action videos ko. And ginaya ko ‘yung signature moves ni papa, sabi niya, ‘Oh akin ‘yan ah.’ Sabi niya, ‘Nasa dugo…’ So I’m proud kasi ipinagmamalaki ko siya eh,” paglalahad ni Ysabel.
Naipakilala na rin ni Ysabel sa ama ang kasintahang si Miguel Tan Felix. Ayon sa dalaga ay may kaunting pangaral ang Senador para sa kanilang dalawa ni Miguel. “Napakilala ko po si Miguel sa kanya. Siyempre may pangaral, actually mas istrikto po ‘yung nanay ko eh. Ang sinabi lang po ng papa ko is, ‘Alam ba ng nanay mo?’ No’ng sinabi niya na, ‘Opo’ naging chill na siya. Mas si mama po ‘yung pulis sa kanilang dalawa,” kwento ng dalaga.
Naitanong din namin kay Michelle kung ano ang gagawin sakaling magpaalam si Miguel na handa nang pakasalan si Ysabel. “Hindi po ako papayag, 25 pa lang ‘yung anak ko. Hindi ko po talaga matatanggap. Mabait naman po ‘yung bata. ‘Yung ibang nanliligaw sa kanya before tine-terrorize ko. ‘Layuan mo ang anak ko. Bawal siyang mag-boyfriend. Bawal pa siyang ligawan.’ Gano’n po ako kaistrikto talaga,” natatawang sagot ni Michelle. — Reports from JCC
- Latest