^

PSN Showbiz

‘Pinya’ ni Rosanna, prominente sa bahay ni Leandro

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
‘Pinya’ ni Rosanna, prominente sa bahay ni Leandro
Leandro Baldemor

May souvenir sa ‘mansion’ ni ­Leandro Baldemor ang mga ginawa niyang pelikula sa Seiko Films noon.

Pero prominent ang sa pelikulang Patikim ng Pinya na ka-partner niya si Rosanna Roces.

Ang rason, nahirapan siyang  kalimutan ang ginawa ni Rossana sa pelikulang ito, lalo na nung paglaruan siya sa pictorial.

“Basta’t ang naramdaman ko, iba! Siyempre first time,” pa-flashback na kuwento ni Leandro nang makausap namin last weekend sa Paete, Laguna.

“Yung 18 years old ako noon, siyempre mapusok pa ako. Saka hindi ko alam… E ano pa naman, hindi ko makakalimutan ‘yung panty ni Osang dun, ‘yung lace. Kaya mababaliw ka talaga kay Osang!”

Yup, aminado siyang kabilang siya sa nabaliw kay Rossana.

Pero may nangyari ba sa kanila noon?

“Wala, wala. Wala, hindi ko natikman ang pinya!” sabay tawa nang malakas ng aktor na ngayon ay kilala na sa paglililok / pag-uukit ng mga santo.

Naalala rin niya si Abby Viduya na noon ay pinili siyang katambal sa pelikula nitong Sariwa (1996).

Kabilang si Leandro sa mga sexy actor na nakilala at kumita ang pelikula sa takilya noong kainitan ng showbiz - 1990s.

Pero aniya naging waldas siya kaya hindi rin siya gaanong nakaipon.

“Kasi maliit lang naman ang suweldo noon, nag-start ako ng P40,000 per film.”

Ang maganda lang na ginawa niya, hindi niya itinigil ang pag-aaral dahil sa pangako sa   mga magulang na magtatapos siya bilang panganay.

Naka-graduate siya ng nursing.

“Sabi nga ng nanay ko, tatay ko, ‘Huwag na hindi ka makakatapos. Kahit pa ilang taon kang makaano... gusto namin, bigyan mo kami ng titulo mo para tapos ka. Kasi ikaw pa naman ang panganay, gusto naming makatapos ka kahit nag-aartista ka na.’”

At kahit nagpa-sexy ang actor noon, hindi siya nag-frontal, wala ring pakita ng pubic hair.

Hindi rin inililihim ni Leandro ang mga naging struggle niya nung tumam­lay ang career at magtrabaho siya sa Japan.

Hanggang lahat ng negosyo ay pinasok, pati pagtitinda ng chicharon para lang kumita. “Nag-isda pa ako, nagdadala ako sa mga tindahan ng chicharon. May dala pa akong patty. Talagang wala akong sinasayang na oras.”

Kahit nga raw sa taping nagbebenta siya noon ng maliliit na item, ‘yung parang mga Ikea.

“Mga cell phone holder, pansadok na kahoy, para pagbukas ng kotse ko sa likon, mamimili sila,” pag-alala niya nung nakabalik siya sa showbiz.

Lugi naman siya sa negosyong chicharon. “Ang nangyari naman sa chicharon ko, bumaha,  nangamoy ang chicharon. Wala kang magagawa, nabasa baka magkasakit pa ang mga tao pag ibinenta mo. Isang tinolada ‘yun. Lugi ako.”

Sa pagitan nun ay nagka-TV projects siya.

Nagbukas din siya ng maliit na restaurant at doon niya nakilala ang una niyang client sa pag-uukit.

Kokeshi doll ang una niyang ginawa para sa may-ari ng Japanese restaurant.

Hanggang nagnegosyo ng bakya si Daisy Reyes na sa kanya ang bakya na nilalagyan ng swarovski.

At doon na nag-umpisa ang lahat.

Ngayon ay nakakapag-ikot siya sa mga simbahan para gumawa ng mga santo.

At depende sa budget ang kanyang ginagawa.

Ang kanyang ama, si Wallie Baldemor, ay may negosyong handicrafts din sa Paete. Ang Painter-sculptor  na si Manuel Baldemor ay pinsan ni Leandro.

FILM

ROSANNA ROCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with