Ginagamit ulit ng mga kawatan sa social media si Lea Salonga para kumita.
Kaya naman nagbabala ang theater actress/singer sa publiko sa mga pekeng social media accounts na ginagamit ang kanyang pangalan upang kumita ng datung.
Nilinaw ng Broadway star na isa lang ang kanyang IG account.
“Just a friendly reminder that I have only one account here on Instagram, and it’s verified. If you see anyone claiming to be me, report them,” post niya.
Ang ang ikinawindang niya pa, ang mga mali-maling grammar at spelling ng mga nagpapanggap na account niya.
“The spelling and/or grammar will be the deadest of the dead giveaways. Thank you!”
Well, hindi na bago ang warning ni Lea sa social media users.
Never daw siyang manghihingi ng tulong na pera, ‘not in a million years’ aniya sa dating post.
“By the way, I’ve seen a sampling of the messages. My God, talk about murder of the English language,” reklamo pa ni Lea.