Barbie, nilantad ang Amanpulo dump nila ni Richard?!
Nag-upload na si Barbie Imperial ng Amanpulo dump three days ago.
Tho wala siyang inilagay na location, pero very familiar ang suot niyang two-piece bikini.
‘Yun na ‘yun diumano ang suot niya nang magbakasyon sila sa Amanpulo ni Richard Gutierrez ayon sa isang reliable source na nagkataong nagbabakasyon din sa Amanpulo noong time na andun sila ng actor.
Medyo may awkwardness daw that time si Barbie. Lalo na ‘pag may nakakita sa kanilang magkasama. Parang gusto diumano nitong magtago sa likod ni Richard.
Ba’t kaya? Wala nang masama kung maging sila ng actor.
Nauna nang nagsabi si Sarah Lahbati na single na siya.
Diumano’y pina-process na ang annulment nina Richard at Sarah.
Wala rin namang napapabalitang karelasyon si Barbie although may kuwento nu’n na nakarelasyon niya ang isang kumandidatong personalidad sa partylist pero hindi nakaupo sa kongreso dahil natalo.
- Latest