Nagsalita na si Awra Briguela tungkol sa kanyang pagkakasangkot sa gulo sa Poblacion halos isang taon na ang nakalipas.
Sinabi niya sa latest vlog ni Vice Ganda na natuto na siya sa nangyari.
Mas lumakas daw siya at nagiging maayos na siya. Inaamin niya raw ang kanyang kasalanan.
Pero noong makulong siya ay hindi pa raw niya matanggap na nangyayari sa kanya iyon.
Hindi raw siya ‘yung tipo na nagpapakita ng kahinaan sa harap ng kanyang mga mahal sa buhay pero matapos ang nangyari at kahit nakauwi na siya, lugmok na lugmok daw siya at umiyak siya dahil hindi na raw niya kinaya.
Nakikita naman daw ng manager niyang si Vice na nasa mas maayos na si Awra ngayon.
Ang importante raw ay inamin nito ang pagkakamali at pagkukulang.
Maaalalang June nakaraang taon nang dalhin si Awra sa police station sa Makati matapos masangkot sa gulo kasama ng kanyang mga kaibigan sa labas ng The Bolthole Bar sa Poblacion.
Mga Pinoy, hirap nang humabol sa mga Koreano
Up to now hindi ko makuha ang sagot sa tanong sa utak ko. For years, sleeping dragon ang Korea na during those days ng film festivals hindi ko napapansin.
Ang frontliner noon ang Japan at Pilipinas.
Then nagkaroon ng slump, nawala ang malalaking festivals at boom bigla ang Koreans.
Bakit parang nakakagulat?
Dahil hindi mo aakalaing ganun kainit ang Korean fever.
Ngayon nga pati standard of beauty, Korean na. Sobrang henyo ng kanilang strategist na nagawang mindset ng lahat na magkaroon ng Korean awareness.
Ngayon nga pati Hollywood napi-penetrate na nila.
Ang nagtataka ako bakit nawala sa running ang Pilipinas.
Sa Asia sinasabing pinaka-fluent sa English language ang mga Pilipino.
Sinasabi rin na mas advance tayo noon sa filmmaking.
Mas marami noon ang awards na nakukuha natin. Bakit naging last man standing tayo ngayon?
Ano ang nangyari?
Sayang dahil imagine mo na ngayon naunahan pa tayo ng Korea. Ganun ba ka-henyo ang mga tao nila. Na pati US nagawa nilang maging interesado sa mga ginagawa nila?
Siguro nga malaking bagay na meron silang unity. ‘Yung nagtutulong-tulong sila para maangat ang bawat isa.
Siguro nga nakatulong sa kanila ang wala silang crab mentality.
Sana makahabol pa tayo. Sana magawa ni Presidente Bongbong Marcos na maging palaban ang mga Pilipino.
Ipakita natin na kaya pa rin nating lumaban at maging number 1.
Don’t give up, fight. We must show them na hindi tayo puwedeng mahuli, at kayang-kaya nating humabol.