Klarisse, umaapaw ang feels...

Klarisse de Guzman.
STAR/ File

Nagbabalik sa recording ang Philippines’ Soul Diva na si Klarisse de Guzman hatid ang kanyang bagong extended play (EP) na tinawag na Feels.

Napapakinggan na simula noong Biyernes (Mayo 3) ang three-track EP na magdadala sa listeners ng iba’t ibang mapanakit na emosyon dahil sa pag-ibig. Kasama rito ang Dito, Minamahal Pa Rin Ako, at Bibitawan Ka na mula sa producer ng EP na si StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Isinulat nina Raizo Chabeldin at Biv de Vera ang Dito na tungkol sa matinding pananabik na makapiling muli ang taong minamahal.

Ang Minamahal Pa Rin Ako na mula naman sa composer na si Ronaldo Azor ay tungkol sa panghihina­yang ng isang nagmamahal pagkatapos niyang iwan ang ang tao na nananatiling mahalaga para sa kanya.

Tungkol naman ang ikatlong awitin na Bibitawan Ka sa pagtatapos ng isang relasyon nang maayos at pagkakaroon ng pag-asa sa pagdating ng tamang pag-ibig. Isinulat ito ni Hazel Faith dela Cruz.

Noong nakaraang taon huling napakinggan ang soulful voice ni Klarisse sa awiting Ayoko Ng Sana na bahagi ng Rox Santos: the 15th Anniversary Album. Taong 2022 naman nang inilabas niya ang ballad na Thank You  sa ilalim rin ng StarPop.

Namnamin ang nag-uumapaw na damdamin na tampok sa FEELS EP ni Klarisse na napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang streaming platforms.

Show comments