Nagulat ako sa ginawa ni Bea Alonzo na pagsampa ng libel case sa mga kasamahan naming writers. Kasi nga guilty rin ako sa mga nauna kong sinulat noon na mga kagagahan tungkol kay Bea.
Pero in fairness at thankful ako na hindi napikon si Bea.
Kung minsan kasi, may mga pagkakataon na iba ang mood mo ‘pag merong mga ganitong pangyayari.
In fact napikon pa ako sa binitawang salita noon ni Shirley Kuan na “I will consult my lawyer.”
But in fairness talaga at very thankful ako, naging very sweet at forgiving ni Bea nang magkita kami sa isang presscon. Kaya nga masasabi ko, tiyempo lang kung minsan. May mga mood din kasi ang bawat tao, at kung minsan ‘pag natyempo ka sa pangit na mood, hayun na.
Parehong may ipinaglalaban ang dalawang kampo. Pareho tiyak na desidido sila na ipakita kung sino ang tama. At pareho rin sila tiyak na naka-focus sa resulta ng kanilang aksiyon.
Tulad siguro ni Vhong Navarro na talagang 10 taon ang hinintay para sa kaso na isinampa laban kina Deniece Cornejo at Cedric Lee, handa ring maghintay ng matagal sina Bea Alonzo at mga kinasuhan niyang writers.
Hindi mo sasabihing sayang ang oras ‘pag naka-focus ka sa ginawa mo. At mukhang pareho namang handang ipaglaban nina Bea Alonzo, Cristy Fermin at Ogie Diaz ang kanilang kaso.
Ipinaglalaban ng bawat panig ang kanilang karapatan. Ang kanilang paniniwala na tama ang kanilang ginawa.
Dasal ng lahat na kung maayos, sana maayos pa.
Maghintay na lang tayo, alam ni Bea ang kanyang ginawa, at alam din nina Cristy at Ogie ang kanilang karapatan.
Hintayin natin ang magiging resulta. Hintayin nating hanggang saan makakarating.
Idasal natin na sana maging maayos ang lahat. Marami nang problema sa paligid at sana mas magaan na ang mga magaganap na pangyayari.
We wish the best for both parties. Maayos sana ang maging takbo ng kanilang mga aksiyon. Bongga.