Live na live ang biritan ng top 12 teen artists sa kanilang semifinals tagisan simula ngayong Sabado at Linggo sa The Voice Teens Philippines Season 3.
Bago ang pagsisimula ng live performance rounds, dumaan sa matinding knockout rounds ang teen aspirants nina Coach Martin Nievera, Bamboo, at KZ Tandingan kung saan tig-apat na lang sa kada team ang matitira para umabante sa semifinals.
Unang sumalang ang teen artists ng MarTeam, kung saan sina Colline Salazar (15 y.o.), Wendy Figura (15 y.o.), Steph Lacuata (16 y.o.), at Sofie Pangilinan (15 y.o.) ang lalarga sa next round.
Sunod namang pinili ni Bamboo sina Antonette Sison (16 y.o.), Jillian Pamat (15 y.o.), Nicole Olivo (15 y.o), at Maelynn Rapista (17 y.o.) na aabante sa semifinals para sa Kamp Kawayan.
Huli namang sumalang ang Team Supreme hopefuls, kung saan pinili ni KZ sina Bianca Ilagan (17 y.o.), Hargie Ganza (16 y.o.), Yen Victoria (16 y.o.), at Pia Carandang (16 y.o.) na mapabilang sa top 12.
Mas hihigpit pa ang kompetisyon dahil hawak na ng mga manonood ang desisyon kung sino ang aabante sa next round.
Bago nito, mas kilalanin muna ang top 12 teen artists sa kanilang “5 Facts” features, na mapapanood na sa official Facebook at YouTube accounts ng The Voice Teens Philippines.