Camille, ‘di na naiisip mag co-host

Camille Villar

MANILA, Philippines — Halos apat na oras masayang nakisalamuha si Las Piñas Rep. Camille Villar sa ilang entertainment press at masayang sinagot ang mga tanong mula mga kasamahan namin sa panulat.

Matagal na rin naman natin kakilala si Camille na halong politics at showbiz ang naging buhay.

Aminado si Camille na nag-enjoy siya sa parehong mundo.

Dati siyang co-host ni Willie Revillame kaya marami siyang naging kaibigang artista.

Pero nang pasukin niya ang pulitika ay hindi na niya binalikan ang pagho-host.

Pero hindi niya aniya ito nakalimutan.

Sa kasalukuyan ay priority niya ang mga batas para sa showbiz at kapanganan ng mga journalist.

Bukod sa pagi­ging public servant, si Rep. Villar din ang President at CEO ng AllValue Holdings Corporation, na retail arm ng Villar Group of Companies na namamahala sa AllDay Supermarket, AllHome, at Coffee Project, na pinrangalan na para sa papel niyang ito.

Noong 2022, iginawad ang Stevie Awards for Women in Business in Las Vegas sa AllHome Builds at ang Bronze Award for Community- Involvement Program of the Year para sa Women-owned o Women-led Organizations.

Pinaranangalan din si Rep. Villar bilang Government Hero of the Year para sa kanyang ginawa nu’ng panahon ng COVID-19 pandemic.

Kinilala rin siyang Female Executive of the Year, Silver Awardee in Asia, Australia, at New Zealand para sa kanyang expertise bilang president and chief executive officer of AllValue Group.

Kamakailan, kasama si Rep. Villar sa pag­lulunsad ng partnership ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) at ABS-CBN Corporation.

Ang nasabing partnership ang maghahatid ng up-to-date news at entertainment programs sa Filipino audiences via ALLTV na available sa Channel 2 free TV, cable, at satellite TV sa buong bansa.

Nakamit naman ni Rep. Villar ang kanyang MBA mula sa IESE (Instituto de Estudios Superiores de la Empresa) Business School sa Barcelona, Spain, isa sa pinakamahusay na business schools sa buong mundo. Nagtapos siya ng Business Management sa Ateneo de Manila University.

Show comments