Natanong si Toni Gonzaga tungkol sa pagbubukas ng bagong PBB – kung babalik pa siya doon?
Ang sagot niya ay marami nang iba pang magagaling na host kaya mukhang hindi na ‘yun mangyayari.
Kaya may dagdag na tanong ang mga tao – kung masasabi bang Multimedia Star pa rin si Toni gayung sa online show niya na Toni Talks na lang siya nakikita?
Hindi ba’t since nanalo ang ikinampanya niyang kandidato noon, hindi ba dapat mas naging prominent siya at sikat dahil suportado dapat siya ng 31 million Filipinos? Anyare?
Vice, hindi na pinahihirapan ang mga kausap!
Ibang level na si Vice Ganda ngayon.
Ang tanong ng mga tao, nagiging mas accessible na ba si Vice Ganda ngayon?
Parang ang dali niyang kausap, and is she into trying new things and going out of her comfort zone?
Ang galing lang kasi after niyang pumayag makipag-collab with Jun Lana for a film, heto at kasama rin siya sa Gen C concert ni National Artist Ryan Cayabyab sa May 12 at sa D10 Concert ni Darren!
Ok ‘yan at abot-kamay talaga si Vice Ganda!
Direk Floy, pasok na sa National Artist?!
Sobrang nakalulungkot ang pagyao ng magaling na direktor at writer na si Floy Quintos. Blockbuster ang naturang wake dahil nagmistulang The Reconciliation Dinner ito!
Sa first night pa lang, aside from friends in the industry, bumisita na sina Irene Marcos-Araneta at Atty. Leni Robredo.
Ang tanong, puwede na bang maging National Artist si Floy Quintos? Masyado pa ba siyang bata para magkamit ng ganu’ng karangalan?
Parang sa rami at lalim at lawak ng impact ng kanyang gawa sa teatro, literatura, at kahit sa media, pasok si Floy Quintos sa criteria.
Ano sa tingin niyo?
Bituin, lumabas ang pagiging halimaw sa concert!
Halimaw! ‘Yan ang tawag kay Bituin Escalante nang tapusin niya ang kanyang The Great White Way concert sa Samsung Theater area noong Monday!
Lunes ‘yun at puno ang venue. Nandu’n at nanood sina Ogie Alcasid at Martin Nievera habang guest naman si Regine Velasquez.
Nakabibilib lang dahil ang mga mahuhusay na talent na katulad ni Bituin (na ang regular media exposure ay bilang It’s Showtime hurado at teatro) ay nakakapag-mount ng ganitong concerts na kinakagat ng mga alta.
Sino ba ang counterpart na magaling sa GMA 7 na sana makakagawa nito: Julie Anne San Jose o si Jessica Villarubin?
Sana, ‘di ba?
Nakakata-quote: He said/ she said ito:
“Yes, maayos naman, maganda naman ‘yung co-parenting arrangement namin, and regular ko naman silang nakakausap ng video call. For the past three and a half years dun na sila nakatira, so medyo madugo ang labanan, child support. Mahal ang dolyar, e.” – Dennis Padilla
“We don’t have a co-parenting set up because since we parted ways in July of 2020, we never had a formal conversation about our separation and how we will raise our kids. Basta nakakausap niya lang ang mga bata.” – Linda Gorton, Dennis Padilla’s ex-partner