Parang isang malaking ‘80s party ang One Last Time concert ni Gary Valenciano this weekend! As expected magaling at kayang-kaya pa rin ni Gary V ang kanyang malalaking production numbers.
Magagaling din ang guests, at mapapansin mo talaga na ang daming dancers. As in, sobrang daming dancers. Mahuhusay.
Pero magkano kaya ang ginastos para du’n? Bayad kaya silang lahat o for the love of GV lang or palit ticket ang TF?
‘Yan ang observation ng mga Marites na nakapanood.
Maraming celebs na sumuporta sa 40th Anniversary ni Gary V at karamihan sa kanila ay pinaakyat ng stage at ginawang Church Choir back-up singers ni Gary V sa kantang Lead Me Lord.
Pinaakyat na nga ng stage, bakit ‘di man lang kaya sila inilawan at binigyan ng moment. Nagmistulan silang chuwariwap ng bumibirit na Gary V.
Tanong ng marami sa MOA Arena, hindi kaya mas maganda kung du’n na lang sa fast songs na may audience participation like Di Bale Na Lang sana pinaakyat ang celebs?
Pati nga si Donny Pangilinan hindi na umakyat sa stage, hindi nila nayakag para sa Tito GV niya?
Direk Floy, pinagluluksaan ng theater community
Sobrang lungkot ng theater community ngayon sa biglaang pagkamatay ni director-writer Floy Quintos.
Aside from theater, nagsilbi rin siyang writer-director ng mga corporate at cultural shows. Basta kailangan ng artistic, may kultura at sophistication, si Direk Floy ang best person bilang katrabaho.
Stroke raw ang kinamatay ni Floy. Sa fatal heart attack na iyon, masasabi kayang konektado rin ito sa matinding init na nararanasan natin sa ating bansa ngayon?
Ngayon ang simula ng burol ni Floy sa Arlington sa Araneta Avenue, tapos ihahatid siya sa kanyang huling hantungan sa Himlayang Pilipino sa Huwebes ng umaga.
Ibayong ingat sa init at pagpapaalala na uminom at magpalamig lagi.
Condolences sa mga naiwan na nagmamahal kay Floy Quintos.
Sharon-Kiko, Richard-Lucy at Juday-Ryan, ‘di atat sa publisidad!
Nag-celebrate kahapon ng wedding anniversary ang showbiz royalty na sina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan (28th), Richard Gomez at Lucy Torres (26th), at Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo (15th).
Saan at paano kaya nag-celebrate ang successful showbiz couples na ito?
Ang Gomezes at Agoncillos ay mukhang nasa kanya-kanyang probinsya: Ormoc at Batangas.
Pero ang mga Pangilinan, base sa posts ng mga kaibigan ay marahil lumipad sa isang lugar na malamig.
Kung anuman, kaya siguro nagtatagumpay at tumatagal ang pagsasama ng couples na ito ay dahil hindi takaw publicity ang personal na buhay nila, ‘di ba?
Basta happy forever sa kanilang tatlong pares!!!
Nakakata-quote: Jeffrey Hidalgo, binuweltahan ng respeto sa kanyang pet peeve!
Magandang pag-aralan ang sagutang ito sa social media na nataon sa pagkamatay ni Floy Quintos.
Sabi ni Jeffrey Hidalgo (singer, aktor, direktor)
“Sorry, pet peeve lang talaga ‘yung biglang naka-black na profile tas huhulaan mo kung sino namatay. Sana naman may konting announcement at context para makabati kami ng maayos
“Yun lang. Bye ”
Sabi ni Phi Palmos (aktor – teatro, TV at pelikula)
“Hindi mo kailangang hulaan. Hindi ka din kailangang bumati. Una sa lahat, hindi mo kailangang malaman. Kung gusto mo talagang malaman, mag-PM. Mangamusta. Magtanong. ‘Yun dapat.
“Ano pang pwedeng gawin?
“Manahimik. Rumespeto. Magpaubaya.
“Wala silang utang sayo na sabihin kung bakit nila ginawa ang ginawa nila lalo na kung hindi naman binago ng ginawa nila ang takbo ng buhay mo dahil unang-una hindi naman ito dahil o tungkol sayo. Sa pagkakataong ito, hindi rin kailangang magpa-witty kasi sa totoo lang, wala sa lugar.
“Sensitivity.
“‘Yun sana.
“‘Yun dapat.
“‘Yun ang dapat.
“‘Yun lang dapat.”