^

PSN Showbiz

Willie, mas pinili ang TV5 kesa PTV4!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Willie, mas pinili ang TV5 kesa PTV4!
Willie Revillame
STAR/ File

Balik-TV5 na nga si Willie Revillame, kaya ‘di na tuloy ang pagpirma nito sa PTV 4.

Sinasabi naman noon ng executives ng People’s Television Network na welcome si Willie sa kanila anytime kung pupuwede na siya.

Pero tuloy ang mga bagong programa at lalong pagpapaganda ng shows ng PTV 4.

Sa golden jubilee nito, patuloy ang commitment niyang lumikha ng quality content na informative, educational, at entertaining.

Matagumpay ang paglunsad ng Congress TV at ng mga bagong programa kagaya ng Punto Asintado Reload, Bagong Pilipinas Ngayon at On Assignment, at ang kasunod ay ang walang takot na interview ni Angelique Lazo sa In Person.

Noong Sabado ay nagsimula na ang art show nilang Artsy Craftsy na mapapanood tuwing Sabado ng 10:30 hanggang 11 ng umaga. Magsisimula na ito sa May 11.

Every Sunday naman simula May 5 ng 10:30 ng umaga ay mapapanood ang isang vlog-style culinary program na iho-host ng entertainment at lifestyle journalist na si Leslie Ordinario.

Si Nina Corpuz naman ay sinimulan na noong Sabado ng 7 ng umaga ang bago niyang programang Health@Home.

Camille Villar, naka-relate sa QOT!

Ang bongga ng pag-trending ng K-drama na Queen of Tears mula pa noong Sabado, April 27.

Patapos na kasi ito at lalong tumitindi ang kuwento na talagang madudurog ang puso nyo.

Kaya ang daming hanash nilang ipino-post sa X sa pagsubaybay  sa pagmamahalan ng dalawang pangunahing karakter na sina Hae-in (Kim Ji-won) at Hyun Woo (Kim Soo-hyun).

Pati tuloy ang Las Piñas representative na si Cong. Camille Villar ay napasubaybay dahil ang dami na raw nagsasabi sa kanyang panoorin ito at baka maka-relate siya.

“Marami na akong iniyak diyan sa Queen of Tears na ‘yan!” bulalas ni Cong. Camille nang nakatsikahan namin over lunch nung nakaraang Sabado.

Marami ang nagsasabi sa kanyang tiyak na makaka-relate siya sa kuwento nitong sikat na K-drama na ito.

“My husband… a lawyer, so relate ako.

“Medyo tragic e. So, ayokong maka-relate. Pero I really like it. Gandang-ganda ako sa kanya.

“When I started watching it… my friends telling me ‘you have to watch it, you have to watch it. Pero nakakaiyak pala nu’n, Diyos ko!” dagdag niyang pahayag.

Ngayong nagiging active na naman muli ang AllTV dahil sa collaboration nito sa ABS-CBN, magpo-produce pa kaya sila ng bagong shows na kasing-drama ng Queen of Tears?  SUNDAN SA “Right now we have our partnership for the licensing partnership for Jeepney TV, TV Patrol and some of the old programs.

“Hopefully, the partnership will extend even more in the future for other kinds of programs. And we’re open to it.”

Nilinaw na rin ni Cong. Camille na okay na okay pa rin ang friendship nila at ng buong pamilya kay Willie Revillame.

Masaya siya sa partnership ni Willie sa TV5, specifically sa Mediaquest.

 

PTV4

WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with