Mapapanood na simula ngayong Martes sa Viu ang Secret Ingredient na pinagbibidahan nina Julia Barretto, Sang Heon Lee at Nicholas Saputra. Kasalukuyang nasa Indonesia ang aktres ngayon para sa premiere ng naturang international series. “I’m so grateful and I’m so excited. It’s my first time in Jakarta. We’re finally streaming starting April 30th on Viu Philippines and Viu Indonesia,” bungad ni Julia sa ABS-CBN News.
Ayon sa aktres ay talagang dapat pakaabangan ng mga manonood ang bagong online series. Nakatatakam umano ang iba’t ibang pagkain na tampok sa Secret Ingredient.
“Matagal na namin na hinihintay na mapanood na siya ng mga viewer ng Viu. It’s a lot of food from Korea, Indonesia and the Philippines. So I hope many will crave while watching the series. It was really fun on the set and it was really nice to work with everybody that’s part of Secret Ingredient,” paglalahad ng dalaga.
Samantala, sa naunang pahayag ni Julia ay naibahagi ng aktres sa publiko ang tungkol sa muli nilang pagtatambal ng dating kasintahan na si Joshua Garcia. Magkakatrabahong muli ang tambalang JoshLia para sa pelikulang Un/Happy For You. “Para siyang familiar and new place at the same time. Parang this feels familiar pero parang bago rin because parang we’re getting to know each other again. Personally, I’m jumping for joy. And I’m also very excited,” nakangiting pahayag ng aktres.
Joshua, naibahan na sa pagsasayaw
Magdadalawampung taon nang kasal sina Joshua Zamora at Jopay Paguia. Dalawang babae ang naging anak ng mag-asawa. Para sa dancer-actor ay talagang magkasundo sila ni Jopay sa maraming bagay kaya tumagal ang kanilang relasyon. “Ibang klase kasi dahil rin sa pagsasayaw ay nagkakilala kami. Dahil pareho kaming artista at dahil sa Daisy Siete ay namuo ‘yung aming pag-ibig. Solid dahil malaking advantage na pareho kaming dancer, nagkakaintindihan kami. Pareho kaming artista, pareho kaming nasa industriya. So mas malawak ‘yung pananaw namin sa isa’t isa,” paliwanag ni Joshua.
Kamakailan ay nakasama ang Manoeuvres na kinabibilangan ni Joshua sa The Sign ‘90s Showdown concert. Isang malaking karangalan para sa actor-dancer na muling nakipagsayawan sa mga nakasabayang dance groups noong dekada ‘90s. “It’s a total reunion as we always celebrate itong mga dance concert namin. Sinasabi namin naiba talaga ‘yung panahon no’ng ‘90s dahil during our time, talagang ang dancers magkakakumpetensya pero magkakaibigan talaga. So I can say na magtotropa kami ng mga ‘yan. It’s really a privilege na makapag-perform kami together with the Wildcat Queens Productions na talagang binibigyan nila ng buhay ‘yung mga dancers once again. Especially ‘yung Batang Mama na talagang binigyan nila ng chance to be in the international hiphop scene. Para sa amin very encouraging ‘yon dahil hindi lang naman ‘yung mga icons ‘yung pinu-push natin, pati ‘yung mga kabataan din,” pagbabahagi ng dancer-actor. (Reports from JCC)