Mga dumalo sa kasal ni Angeline, nalapot at nahulas sa init
Hulas at lapot ang mga tao sa ginanap na kasal ni Angeline Quinto at ng husband nitong si Nonrev Daquina noong Huwebes, April 25, sa Quiapo Church sa Maynila.
Pero ang tanong, kahit gaano kainit at alinsangan sa loob ng Quiapo Church na ang balita namin ay hindi puwedeng isara at gawing exclusive para sa ikakasal lamang, paano naging well-attended pa rin ang kasal ng major celebrities, mga boss ng network pati na ang mismong Mayor ng Manila na si Honey Lacuña? From Ma’am Charo Santos to Regine-Ogie Alcasid, Sarah-Matteo Guidicelli, Zsa Zsa Padilla at Martin Nievera, Kim Chiu at Paulo Avelino at napakarami pang iba – hanggang kay Vice Ganda naroon sa kasal!
Paano nila napanatiling nakangiti sa kabila ng matinding init? At paano hindi nagkakatotoo ang isa sa mga takot ng isang boss na baka may mahimatay na lang doon dahil talaga sa matinding init?
Pagpapatunay lang na well-loved si Angeline sa industriya nito!
Congratulations, Angge at Nonrev, at sana katulad ng nangyari sa kasal ninyo, na kahit ano’ng pasubok ang haharapin niyo ay cool at masaya pa rin kayo lagi!
Erik, inisyuhan ulit ang pagiging single
Isa sa mga usap-usapan ng mga tao sa Quiapo Church ay si Erik Santos na rumampa bilang ring bearer ni Angeline na minsan ding nai-link sa kanya.
Naringgan ang ilan sa nasa simbahan, bakit hindi si Erik at Angeline ang nagkatuluyan? Parang always the wedding singer o entourage si Erik, kailan naman kaya siya magiging groom?
‘Yung isa pang na-link sa kanya na si Rufa Mae Quinto ay may asawa na rin.
Bakit ba issue ang pagiging single ni Erik?
Malay mo naman hindi pa niya nahanap ang makaka-partner niya forever, ‘di ba?
O gusto ba niya talagang ikasal din?
Sino ba sa tingin ninyo ang bagay kay Erik? Wala namang dapat na-issue kung choice niyang maging single ‘di ba?
Pelikula ni Paulo, ‘di umabot sa P1M
Si Paulo Avelino ay owner pala ng WASD Films na co-producer ng pelikulang Elevator.
Kasama niyang co-producer nito ang Viva Films, Rein Entertainment, Cineko Productions at Studio Viva.
Magkano ba ang kinita ng pelikula sa first day nito?
Totoo bang hindi man lang daw ito ng P1M mark? At paano ang G! LU na kasabay nito?
Huwag na lang daw pag-usapan sabi ng tinanungan natin dahil sobrang nakakalungkot daw ito.
Sana na lang daw hindi na lang daw isinama si Ruru Madrid sa pelikulang ito.
Theater Fest, simula na
Parang totoong may theater festival ngayon dahil nagbukas na rin ang Parokya Ni Edgar Musicale na Buruguduystunstugudunstuy sa Newport World Resorts kahapon habang ongoing ang Miss Saigon, Rent at One More Chance with the music of Ben & Ben.
Sino kaya ang consistently na mas tinatao sa kanila?
Sana lahat!
At gaano katotoo na may ilang performances ng play na Rosang Taba ng UP na natigil dahil hindi gumana ang aircon at hindi kakayanin ng audience ang init?
Sana talaga iwas sakit at aksidente ang lahat at masaya na lang dahil buhay na buhay ang teatro sa ating bansa!
Nakakata-quote:
“Kaloka yung mga tao na hindi mo naman kaibigan at hindi kayo close, kung mag approach sayo feeling close. Kaloka ka ghurl! I didn’t appreciate your joke! Not funny! Pero natawa ako sa itsura mo pagkasabi mo sakin na I’m wearing pajamas kasi sana tinignan mo muna suot mo before you said that hahahaha. Again hindi tayo close ok! buti maganda mood ko kanina ghurl! Hahaha!” – Powerhouse Diva DESSA to that girl na front act sa Meet & Greet ni Gigi de Lana sa U.S.
- Latest