Itinanggi ni former Gov. Chavit Singson na niregaluhan niya ng luxury car ang isang actress. Aniya, na-marites at na-marisol lang siya.
Tho tumatawa siya at iniiba ang topic.
Isa lang nga ito sa sinagot ng dating pulitiko sa isang welcome dinner for officers and members of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa kanyang bahay sa Corinthian Gardens in Quezon City last Saturday night.
Maging ang mga beauty queen na na-link sa kanya ay itinanggi niya.
Pero ang inamin ni Manong Chavit, nasa South Korea aniya ang napupusuan niya.
Maraming investment si Manong Chavit sa South Korea kaya madalas siya ngayong pumunta sa bayan ng mga oppa.
Pero wala siyang binigay na details at pahulaan kung connected ito sa showbiz doon.
Pinagkakaabalahan din nito ang pagiging co-producer ng Vagabond 2 na pinagbibidahan ng business partner niyang si Lee Seung-gi.
Magso-shoot aniya sila sa bansa upang makatulong pa sa tourism industry particular na sa Ilocos tulad sa ginawa niya noon sa Miss Universe pageant.
At ang sinu-suggest ng mga kausap niyang entertainment editors, baka pwedeng maging leading lady kahit sino kina Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes ni Lee Seung-gi.
Kahit daw sino ay pwede, dahil wala naman siyang pinipili.
Kailan mag-uumpisa ang shooting?
“Siguro mag-uumpisa ang shooting sa May. Ginagawa na ang istorya. Ang huling usapan namin, napunta rito ‘yun mga producer, si Lee Seung-gi lagi siyang nagpupunta rito. Sinasama niya ‘yung mga writer, producer, napapagkuwentuhan namin, in fact nagpunta na sila Vigan.Pag natuloy ‘yun, I will announce it formally.
“Gusto kasi nila tuluy-tuloy na ang shoot. Halos isang buwan na yata nilang tinatapos ang istorya. Ganun sa Korea, gusto nila nakalatag na ang kuwento.”
Samantala, naniniwala naman siya na hindi dapat payagan sa Miss Universe ang mga transgender at may mga asawang kandidata.
“Kaya nga ‘Miss’ ang nakalagay sa Miss Universe beauty contest. Tapos hahaluan ng iba,” pahayag niya pero pinaliwanag niyang mahal niya ang mga trans pero dapat umano ay meron silang sariling pageant. Ganundin daw sa mga may asawa na.