Actress, pasok sa Plastic-free campaign sa Quezon City
Wow, bawal din kaya sa Quezon City ang actress na wagas ang kaplastikan? Hahaha.
Ang QC ang kauna-unahang Lungsod na may kampanya na Plastic-free QC. At kasalukuyang makikita ang isang 12-feet art exhibit mula sa libu-libong plastic straws at iba pang single-use plastics tulad ng plastic bag, plastic utensils, at containers na bawal ipagamit sa mga dine-in customer sa mga restaurant at fast food chains ang matatagpuan ngayon sa inner lobby ng Quezon City Hall.
Ang exhibit na ito ay sumisimbolo sa patuloy na pagpupursige ng QC tungo sa pagiging isang plastic-free city. Tatagal daw ang nasabing exhibit ng hanggang katapusan ng Abril.
Kaya hinihikayat ni Mayor Joy Belmonte ang lahat na mag-reuse, reduce, and recycle upang mapangalagaan ang ating kalikasan para sa isang sustainable na kinabukasan.
Dahil nga rito naisip ng source ang isang actress na kamakailan ay nakipagbati sa isang kaaway. Maraming tao at may mga nakatutok na camera, kaya naman daw parang ang bait-bait ng actress, pero pagtalikod nito ibang-iba raw ang sinasabi, ayon sa isang source.
Inis na inis daw ito na na-off guard siya sa nasabing okasyon.
At ang ending daw, hindi na nito kinausap ang organizer ng nasabing party kung saan sila nagkabati ng isang kaaway. Hahaha.
So pwede kaya siyang i-display kasama ang mga plastic na straws and bags?
- Latest