Ang dami pala sa mga celebrity natin na talagang hilig ang magkolekta ng art pieces, at talagang sumasali sila sa auction.
Pero may ilan din nating artist na may paintings na pinapa-auction.
Nakatsikahan namin over lunch ang Director ng Leon Art Gallery na si Jaime Ponce de Leon noong nakaraang Lunes at excited siyang may isang painting si Heart Evangelista na nakahanda nang ipa-auction sa Leon Exchange sa darating na Sabado at Linggo, April 20-21.
Ang sabi Jaime Ponce de Leon, ongoing na raw ngayon ang preview sa Warehouse 14 ng La Fuerza Plaza sa Makati. “Everything can be checked online, leon-gallery.com for the e catalogue and for the bidding proper, leonexchange.com,” pakli niya.
“Everything is so cheap. We want to get rid of everything. We just want to clear the entire warehouse. So, everything must go. Everything starts very very low,” dagdag niyang pahayag.
Ang painting ni Heart na Love Marie (b.1985) Untitled and handsigned (lower right) at print ito na 158/300, 16 ½ x 16 ½ (42 cm x 42cm) ay may minimum o starting price na P90K.
“We have exhibited Heart Evangelista in the past, and she had a very good following. And like this particular piece we have in the auction was consigned by a collector. So, now is a chance for the collecting public to acquire a work of Heart,” masayang pahayag ni Jaime Ponce de Leon.
Hindi lang daw paintings ni Heart ang napa-auction at nakakuha ng magandang presyo. “Solenn (Heussaff), we get to offer also, and Xian Lim, and many other artists.
“Although in this particular one, only Heart,” dagdag niyang pahayag.
Hindi lang paintings nila ang interesado ang art collectors kundi marami rin sa mga kilalang artista na tahimik lang pero talagang nangongolekta ng magagandang art pieces. “We have some famous celebrities who are quiet art collectors, like Aga and Charlene Muhlach, they’re very good collectors.
“Richard Gomez is a very good collector, and you have Dingdong Dantes and Marian Rivera are good collectors too. They participate in the auction. You can see them… you can see Aga and Charlene practically in every big auction that we have,” tugon nito.
Marami kasi sa collections ng mga kilalang personality na pinapa-auction na rin, at talagang magaganda, at mababa ang minimum price na nagsisimula sa P4K hanggang P10K lamang.
Kaya sa mga gustong mangolekta, puwede nyong i-check sa darating na Sabado at Linggo sa leonexchange.com.
Mutya, napahagulgol
Suportado ng fans at close friends ang premiere night ng pelikulang When Magic Hurts na maglulunsad ng loveteam nina Mutya Orquia at Beaver Magtalas.
Ginanap ito nung Lunes sa Cinema 3 ng SM D Block na dinaluhan din ng iba pang co-actors nilang sina Maxine Trinidad, Dennis Padilla, Angelica Jones, Aileen Papin, at ang cute na anak ni Claudine Barretto na si Aryana Barretto.
Nandun din ang iba pang mga anak ni Claudine, dahil hindi nakadalo ang aktres dahil nandun pa siya sa special screening ng Anak kasama si Vilma Santos.
First time nilang napanood ang pelikulang dinirek ni Gabby Ramos.
Hindi napigilan ni Mutya na maiyak nang napanood niya ito. “Ang masasabi ko po is masyado ko pong ninamnam ‘yung scene ko, ‘yung role ko po.
“Naiiyak po ako. Naiiyak po kasi nalungkot, naawa sa sarili. Iyak ako nang iyak,” bulalas ni Mutya.
Pero ang maganda lang daw sa pelikulang ito ay ang nabuong friendship nilang lahat. “Sabi ko nga po kung may magic po ako na na-receive sa movie na ‘to, is the magic of friendship po together with Mutya and Maxine,” bulalas ni Beaver.
“Kasi, ‘yung bond po namin during and after the film is talagang different po e. I feel like, on a development of a solid friendship naming tatlo,” dagdag niyang pahayag.
Masaya na raw siya nang napanood niya ang kabuuan ng pelikula. Pero aminado si Beaver na gusto pa niyang ma-improve ang kanyang pag-arte.
“I’m happy po. Pero of course nandun pa rin po na while you watch yourself po, I think it’s important as an actor na tinitingnan what are the things you need to improve on. And I know po na marami pa akong matutunan and mapag-aralan.
“And I’m really excited po to see what are the things I’m willing to learn and my growth in maybe a couple of years,” saad pa ni Beaver Magtalas.
Sa April 19 ay magkakaroon uli ng premiere showing sa SM Cabanatuan at tiyak na susuportahan ito nang bonggang-bongga ng mga kababayan doon ni Beaver Magtalas.