Isasapelikula ang makulay na buhay ni former Senator Gringo Honasan.
Yup you read it right.
At ang magiging title nito - Gringo : The Greg Honasan Story.
Pero wala pang napipiling gaganap na Gringo, ayon mismo sa pulitiko.
Kasalukuyan pang sinusulat ni Eric Ramos ang script nito.
Isa ang dating pulitiko sa pinaka-colorful ang personal and political career.
Ang dating senador at Information Secretary na isang retiradong sundalo na gumanap ng mahalagang papel sa 1986 People Power Revolution na nagpatalsik sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos ay sumali sa senatorial slate ng anak ni now President Bongbong Marcos. Pero hindi siya nanalo at maaga siya noong nag-concede.
Naging aide-de-camp ni former senator Juan Ponce Enrile noong may batas militar, at naging miyembro ng Reform the Armed Forces Movement (RAM).
Nagtago rin siya – sa ilalim ng mga administrasyon nina Cory Aquino at Gloria Macapagal-Arroyo.
Inaresto rin siya ng Constabulary matapos ang kudeta noong Agosto 1987 sa isang bahay sa Valle Verde, Pasig.
At siya ay nakulong sa isang barkong nakadaong sa Manila Bay ngunit nakatakas din sa kalaunan.
Sa barkong iyon ipinaglihi ng kanyang asawa ang kanilang ika-5 anak.
Tumakbo rin siyang vice president noong 2016, sa ticket ni Jejomar Binay, pero pareho silang natalo.
Ilan lang ‘yan sa kumbaga ay bahagi ng buhay ng pulitiko.
Ang Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio ang producer ng Gringo : The Greg Honasan Story.
Ang bulong, malamang na si Jake Cuenca na ang gaganap na Gringo.
Kaya ba ni Jake? Magbabago ba siya ng boses sakaling magbida siya rito. Tulad sa mga iba niyang ginagawa? wala pa ring sinasabing director ang dating senador at Atty. Topacio sa isang media annoucement na ginanap kahapon.