Aktres na may anak, ikakasal sa Siargao

All roads lead to Siargao this weekend. Bakit? May isang aktres na ikakasal ulit! Ang saya lang. Kakayanin na kayang mag-flower girl ng kanilang anak? We’ll see.

HLG 2, tuloy ang shooting sa Canada

Nagtatanong na raw ang produksyon kung may visa sa US at Canada ang ibang cast ng Hello Love Goodbye. Mukhang tuluy na tuloy na ba ang shooting ng nasabing pelikula? Sana!

Tuluy-tuloy na rin ba ang pag-whawhat you see what you get ng mga bida? At kung intended ito for the MMFF - yung Cassy Legaspi-Darren Espano tandem last year ba na “friends lang” ay mapapalitan na ba ng Kathryn Bernardo - Alden Richards? Or level Dingdong-Marian ba ito na sa pagiging real couple papunta? Abangan!

Network war, buhay sa paglaLabas ng mga rating

Sobra pa rin ang mga comparative surveys ngayon sa TV. Maya’t maya ay nagci-cite ng mga ratings numbers ulit vis-a-vis ng kalaban nila. Matanong  ko lang - akala ko ba , ang sabi ng mga boss, wala nang network war? Bakit may ganito pa rin? Nararamdaman n’yo bang nagiging mas competitive ulit ang mga network? In a sense nakabubuti rin ba ito sa pagpapasigla ng TV muli? Aabot kaya tayo sa estadong wala nang kuwentahan at pabonggahan ng artcard  na naghuhumiyaw ng mga numero?

Birthday ni Nova ‘di pinalampas ng grupo ng Home Along

Napakaganda ng gesture ng mga dating taga-Home Along Da Riles na icelebrate ang 78th birthday ni Tita Nova Villa. Nandu’n sina Boy2 Quizon, Smokey Manaloto, Maybelline de la Cruz, Dang Cruz, Vandolph, at iba pa. Nasaan si Claudine Baretto? Mayroon bang pinaplanong show din sana o pelikula after ng reunion na ito? Maganda sana, ‘di ba?

Beaver, super wholesome

In fairness sa young talent na si Beaver Magtalas ay maganda ang feedback sa kanya ng mga nakapanood ng When Magic Hurts. Sana may ibang direktor at production pa na maka-handle sa kanya na makapagpapalabas ng husay niya. Super wholesome sa Beaver, puwede ba siyang dungisan at saktan? Ang tanong ng mga tao, may naughty at mysterious side ba sa kanya na puwedeng ipalabas? At ang crucial na question, katulad nung sinuggest kay Bimby noon, open ba siyang magbago ng screen name? What do you think?

Nakakata-quote:

“Rejection is a better teacher than success.” - Jose Javier Reyes

Show comments