^

PSN Showbiz

Melai, may warning sa PBB housemates wannabe

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Melai, may warning sa PBB housemates wannabe
Melai Cantiveros.
STAR/ File

Sa Hunyo ay muling magbubukas ang Pinoy Big Brother house para sa bagong batch ng aspiring housemates. Isa si Melai Cantiveros sa magiging host ng pinakabagong season ng naturang reality show. Ayon sa aktres ay talagang dapat pakaabangan ng mga manonood ang PBB ngayong taon. “Ito ang best pasabog na ibibigay ng PBB. Excited kaming mga host, sina Robi (Domingo), Bianca (Gonzalez), Kim (Chiu), and si Enchong (Dee) sa mga mangyayari. Mayroon kaming mga alam na pero hindi pa sinasabi sa amin kasi tsismosa daw kami. Pero napakaganda ng mangyayari sa PBB,” nakangiting pahayag ni Melai.

Mayroong ilang mga nagpapanggap at nagpapakilalang bahagi ng PBB. May panawagan si Melai para sa lahat ng mga nangangarap maging housemates ni Kuya. “Mag-ingat kayo sa audition ng PBB dahil pwedeng mag-audition kayo sa hindi legit na staff. So, mag-ingat kayo na ang a-attend-an n’yo lang na audition ay ‘yung audition lang ng PBB team, wala nang iba. Kasi sila lang ang mamimili ng housemate ni Kuya, wala nang iba,” giit ng aktres.

Matatandaang nagsimula rin bilang isang PBB housemate si Melai. Tinanghal na Pinoy Big Brother: Double Up Big Winner si Melai noong 2010. Nagbigay ng payo ang TV host para sa lahat ng magiging housemates ngayon sa Bahay ni Kuya. “Life is short. Importante na mag-enjoy ka sa ginagawa mo. So ‘yung pag-audition mo, gusto mo ba talaga ‘yon? Or baka inutusan ka lang ng papa mo na mag-join? So kailangan mo talagang gustuhin ‘yung ginagawa mo at sinasabi sa ‘yo. Kasi kung hindi mo gusto ‘yon, hindi mo mapapagtagumpayan,” pagtatapos ng TV host.

Rachel, nahirapang ikumpara kay Hajji

Ngayong Linggo na gaganapin ang Noon at Ngayon concert nina Hajji at Rachel Alejandro sa New Frontier Theater. Isang masayang karanasan para kay Rachel sa tuwing makakasama ang amang magtanghal sa entablado. “Hindi ko ma-describe ‘yung feeling at saya nang makasama mo ang tatay mo onstage at makasayaw at maka-duet. It’s something that I will always be grateful for,” bungad ni Rachel.

Mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas nang magsimula si Rachel sa show business. Para sa singer ay itinuturing niyang malaking utang na loob kay Hajji ang pamamayagpag ng kanyang karera sa industriya. “It has been an advantage that I used. Talagang sinamantala ko na simula noong umpisa pa lang talaga when I was 12 (years old) na kinuha ako ni Kuya Germs (German Moreno) sa That’s Entertainment. That was because of him. Nalaman niya na kumakanta rin ‘yung anak ni Hajji,” pagbabalik-tanaw niya.

Isa si Hajji sa mga itinuturing na icon pagda­ting sa musikang Pilipino. Hindi naging madali kay Rachel ang mga pinagdaanan noon. Palagi raw naikukumpara ang istilo ng pagkanta ni Rachel sa istilo kanyang ama. “Siyempre you will always be compared to someone who’s such a big star and to this day, siyempre kahit saan ako pumunta, kahit sa Amerika where I am based right now, I am still known as his daughter. Karamihan ng Pilipino na nakatira doon nang matagal na siyempre hanggang ngayon gano’n pa rin. In that sense ‘yon ang medyo mahirap,” pagtatapat ng singer. (Reports from JCC)

MELAI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with