Kauna-unahang sports podcast, napapakinggan na!

Inilunsad na ng GMA Integrated News ang first-ever sports podcast, kasama ang GMA Regional TV and Synergy, noong Friday, April 12, kung saan mapapakinggan ang sports enthusiasts.

Gagawin ng mga host na sina GMA Synergy sportscaster at 24 Oras Game Changer segment host Martin Javier, at sports personalities na sina Anton Roxas at Martin “Coach Hammer” Antonio, na mas kawili-wili ang sports at magbigay-inspirasyon sa Game On! podcast sa pamamagitan ng mga kuwento, interview at espesyal na pagtampok sa mga athlete, coach at sports luminaries.

Bilang bihasang sportscaster, kayang-kaya ni Martin na magbahagi ng anumang may kinalaman sa sports kung saan regular niyang nakakasama at nakakakuwentuhan ang sports personalities at athletes. Pinapasok din niya ang iba’t ibang physical activities na kanyang tinatampok sa sarili niyang segment na Game Changer sa 24 Oras.

Show comments